16/11/2021
KASO NG COVID-19 SA CAGAYAN NGAYONG MARTES, PUMALO SA 40
Pumalo ngayon sa 40 ang nagpositibo sa Covid-19 sa lalawigan ng Cagayan ngayong araw ng Martes, Nobyembre-16 base pa rin sa pinakahuling datos ng PESU.
Nagmula ang mga nagpositibo sa 14 na lugar sa lalawigan, habang nanatiling Covid-19 free pa rin ang mga bayan ng Sta. Teresita at Calayan.
Samantala, may apat namang nasawi sa virus ngayong araw ng Martes mula sa Amulung, Baggao, Piat, at Sanchez Mira. Sa kabuuan mayroon ng 2,095 death toll ang lalawigan ng Cagayan.
Mayroon na lamang limang lugar sa lalawigan ngayon ang may mga pasyenteng naka-home quarantine na kinabibikangan ng Tuguegarao City ( Claveria (3), Baggao (2), Sto. Niño (2), at Sta. Ana (2).
Sa ngayon, 428 na lamang ang aktibong kaso ng Covid-19 sa lalawigan, habang 36 naman ang gumaling.
(Kane Manaoat)