Municipal Agriculture Office - Bagac

Municipal Agriculture Office - Bagac Agribagac aims to help our local farmers to achieve great production and higher profit. 🌾

Maligayang Kaarawan, Ma’am Nona! πŸŽ‚πŸ₯‚Nawa’y maging masaya, malusog at puno ng biyaya ang inyong kaarawan. Maraming salamat...
31/08/2026

Maligayang Kaarawan, Ma’am Nona! πŸŽ‚πŸ₯‚
Nawa’y maging masaya, malusog at puno ng biyaya ang inyong kaarawan. Maraming salamat po sa inyong kabutihan at pagiging mabuting pinuno.

At sa inyong pagreretiro, maraming salamat po sa 33 taon ng tapat at buong pusong paglilingkod. ❣️

Nawa’y maging masaya, payapa at makabuluhan ang panibagong yugto ng inyong buhay.
Mabuhay po kayo, Ma’am Nona! Karapat-dapat po kayong mag-enjoy at magpahinga. πŸ’πŸ˜˜

19/08/2026

PAALALA SA ATING MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA NG BAGAC

Mahalaga ang bawat ulat ng pinsala. Mahalaga ang tamang impormasyon upang makapaghatid ng tulong.
Sa tuwing may bagyo, baha, tagtuyot, sakit o iba pang kalamidad na nakaaapekto sa ating sakahan, irrigation facilities, agricultural machinery, livestock, poultry, at fisheries sector, hinihikayat po ang lahat ng ating mga magsasaka at mangingisda na maayos at kumpletong i-report ang mga naging pinsala sa Municipal Agriculture Office (MAO).
Ang tamang pag-fill out ng Damage Report ay hindi lamang simpleng dokumentasyon. Ito ang nagsisilbing mahalagang batayan upang:

βœ… Matukoy at maitala ang lawak ng pinsala sa bawat barangay;
βœ… Ma-consolidate ang kabuuang damage ng sektor ng agrikultura at pangisdaan ng Bagac;
βœ… Mai-endorse ang validated reports sa Provincial Agriculture Office, DA, BFAR, NIA at iba pang concerned agencies;
βœ… Maging batayan sa pag-request ng mga programa, proyekto, inputs, kagamitan, rehabilitation assistance at iba pang interventions; at
βœ… Mapalakas ang ating mga dokumento at justification sa paghingi ng karagdagang suporta para sa ating mga apektadong farmers at fisherfolks.
Mahalaga ring maunawaan na limitado ang resources at pondo ng ating Lokal na Pamahalaan. Hindi lahat ng kinakailangang tulong ay maaaring direktang sagutin ng LGU. Dahil dito, kinakailangan nating magkaroon ng kumpleto, tama at napapanahong datos upang maipakita sa mga concerned agencies ang tunay na lawak ng pinsala at ma-tap ang mga programang maaari nilang ibigay.

❗ PARA MALINAW PO SA LAHAT:
Ang hindi agad pagkakaroon ng assistance ay hindi nangangahulugang walang ginagawa ang Municipal Agriculture Office.
Ang MAO ay patuloy na tumatanggap, nagdo-document, nagva-validate, nagko-consolidate at nag-eendorso ng mga damage reports, at nakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang tanggapan upang makahanap ng mga posibleng intervention para sa ating mga kababayang naapektuhan ng kalamidad.
Gayunpaman, mas magiging matibay ang ating pag-request ng tulong kung ang bawat pinsala ay maayos na naiulat at may sapat na dokumentasyon.

Sa ating mga magsasaka at mangingisda: Makipag-ugnayan po sa inyong Barangay Agriculture/Fisheries Coordinators o direktang magtungo sa Municipal Agriculture Office upang maitala ang inyong mga pinsala.
Ang bawat report ay mahalaga.
Ang bawat datos ay may katumbas na pagkakataon para sa tulong.
At ang bawat dokumentadong pinsala ay hakbang tungo sa pagbangon.

Municipal Agriculture Office – Bagac, Bataan
Patuloy na nakikiisa at kumikilos para sa ating mga magsasaka at mangingisda.

πŸ“’ PAUNAWA SA LAHAT NG MAGSASAKA AT MANGINGISDA NG BAGACREPORTING OF AGRICULTURAL AND FISHERIES DAMAGESAng Municipal Agri...
09/08/2026

πŸ“’ PAUNAWA SA LAHAT NG MAGSASAKA AT MANGINGISDA NG BAGAC
REPORTING OF AGRICULTURAL AND FISHERIES DAMAGES
Ang Municipal Agriculture Office (MAO) ng Bagac ay nagsasagawa ng documentation at assessment ng mga pinsalang dulot ng Bagyong Luis at Southwest Monsoon (Habagat).

Kung nakaranas ng pinsala sa inyong:
🌾 Pananim
πŸ„ Hayop at Livestock
🐟 Pangisdaan at Aquaculture
🚜 Agricultural Facilities at Equipment
🎣 Fishing Boats at Fishing Gears

mangyaring ipagbigay-alam agad sa inyong Barangay Agriculture and Fisheries Committee/Council o sa assigned Agricultural Technician ng inyong barangay.
Ihanda ang sumusunod na impormasyon:
Pangalan ng magsasaka/mangingisda
Lokasyon ng apektadong lugar
Uri ng pananim, hayop o pangisdaan
Tinatayang lawak o dami ng pinsala
Larawan ng pinsala, kung mayroon
Mahalaga ang inyong ulat upang maging maayos at kumpleto ang municipal damage assessment at reporting.

πŸ“’ IMPORTANT ANNOUNCEMENT!The Local Government Unit of Bagac will implement a 4-Day Workweek pursuant to Memorandum Circu...
31/07/2026

πŸ“’ IMPORTANT ANNOUNCEMENT!

The Local Government Unit of Bagac will implement a 4-Day Workweek pursuant to Memorandum Circular No. 114 effective August 3, 2026, with office hours Monday–Thursday, 7:00 AM–6:00 PM. Friday – CLOSED.

Please be guided accordingly. πŸŒΎπŸ’š

πŸ“’ Matagumpay na naisagawa ang Municipal Agricultural and Fisheries Council (MAFC) Meeting at Election of Officers ngayon...
07/07/2026

πŸ“’ Matagumpay na naisagawa ang Municipal Agricultural and Fisheries Council (MAFC) Meeting at Election of Officers ngayong Hulyo 7, 2026 sa Municipal Conference Hall, Bagac.

Dinaluhan ito ng iba't ibang kinatawan ng mga samahan ng mga magsasaka at mangingisda sa bayan upang talakayin ang kalagayan ng kanilang mga organisasyon, mga updates sa mga programa ng Municipal Agriculture Office, at mga usaping may kaugnayan sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.

Isa rin sa mga naging tampok ng programa ang halalan ng bagong MAFC Executive at Sectoral Committee Officers na magsisilbing katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa para sa mga magsasaka at mangingisda ng Bagac.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nakibahagi. Nawa'y patuloy nating palakasin ang pagkakaisa at pagtutulungan tungo sa mas maunlad na sektor ng agrikultura at pangisdaan sa ating bayan.

πŸŽ‰ Happy Birthday, Konsehal Larry Bantugan! πŸŽ‰The Municipal Agriculture Office of Bagac extends its warmest birthday greet...
07/07/2026

πŸŽ‰ Happy Birthday, Konsehal Larry Bantugan! πŸŽ‰
The Municipal Agriculture Office of Bagac extends its warmest birthday greetings to our SB Committee on Agriculture.
Thank you for your unwavering support, commitment, and dedication to the welfare of our farmers, fisherfolk, and the agricultural sector.
May God bless you with good health, wisdom, strength, and many more fruitful years of public service.
Happy Birthday and more power, Konsehal Larry! πŸŒΎπŸŽ‚πŸŽ‰

β€” From your Municipal Agriculture Office Family, Municipality of Bagac

19/05/2026

πŸ“’ ANNOUNCEMENT πŸ“’

Distribution of Hybrid Seeds and RCEF Seeds for WET SEASON 2026 🌾
πŸ“ Venue: Municipal Agriculture Office
⏰ Time: Starting at 7:30 AM

πŸ“… SCHEDULE:

βœ… May 20, 2026
β€’ San Antonio
β€’ Parang
β€’ Binukawan

βœ… May 21, 2026
β€’ Banawang
β€’ A. Ricardo

βœ… May 25, 2026
β€’ Ibaba
β€’ Ibis
β€’ Tabing Ilog
β€’ Pag-asa

βœ… May 26, 2026
β€’ Saysain

βœ… May 27, 2026
β€’ Paysawan
β€’ Binuangan
β€’ Quinawan

πŸ“Œ REMINDERS:
βœ” Bring NEW RSBSA Card
βœ” First Come, First Serve
βœ” No Need for Reservation
βœ” Distribution is Farm Location-Based

23/01/2026

Mula sa Mun. Agriculture Office Family, kami po ay taos pusong bumabati ng maligayang kaarawan sa ating mahal na Mayor Ron.!

20/01/2026

πŸ“’ ABISO SA LAHAT NG MAGSASAKA AT MANGINGISDA πŸ“’

Isasagawa ng Municipal Agriculture Office ang Municipal Agriculture Survey at Profiling para sa mga sumusunod:
🌾 Mga Magsasaka
🎣 Mga Mangingisda
πŸ– Mga Livestock Raisers
πŸ“ Mga Poultry Raisers
πŸ—“ Iskedyul ng Aktibidad:
➑️ Tuwing MARTES, MIYERKULES, at BIYERNES
➑️ Sa bawat barangay (ayon sa itinakdang schedule ng barangay)

🎯 Layunin ng Survey:

βœ”οΈ Ma-update ang datos ng mga magsasaka at mangingisda
βœ”οΈ Mas mapahusay ang pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa at tulong ng LGU
βœ”οΈ Masigurong makakasama kayo sa mga susunod na proyekto, pagsasanay, at assistance

πŸ“Œ Paalala:

βœ”οΈ Mangyaring makipag-ugnayan sa inyong Barangay Officials para sa eksaktong petsa at oras ng survey sa inyong barangay
βœ”οΈ Magdala ng anumang kaugnay na impormasyon gaya ng RSBSA stub o valid ID.

Ang inyong pakikiisa ay mahalaga upang mas mapalakas ang mga programang pang-agrikultura at pangisdaan sa ating bayan.

Maraming salamat at inaasahan po ang inyong pakikilahok!

Address

Atilano Ricardo Bagac Bataan
Bagac
2107

Telephone

+639810397880

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Agriculture Office - Bagac posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Municipal Agriculture Office - Bagac:

Shortcuts

Share