Ron Del Rosario

Ron Del Rosario Official page of Mayor Ron Del Rosario Bagac, Bataan

🌧️ PAALALA SA LAHAT NG BAGAKEÑOSa patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat, hinihikayat ko ang bawat isa na manatiling maing...
29/08/2026

🌧️ PAALALA SA LAHAT NG BAGAKEÑO

Sa patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat, hinihikayat ko ang bawat isa na manatiling maingat, alerto, at handa sa anumang posibleng epekto ng masamang panahon.

Iwasan muna ang mga lugar na maaaring magkaroon ng pagbaha, pagguho ng lupa, at iba pang panganib. Ugaliing makinig at sumunod sa mga abiso ng ating mga awtoridad at laging unahin ang kaligtasan ng bawat pamilya.

📞 Kung may emergency o nangangailangan ng agarang tulong, narito sa ibaba ang mga Emergency Hotlines na maaari ninyong tawagan.

Maging mapagmatyag. Maging handa. At higit sa lahat, maging ligtas.

Sa panahon ng kalamidad, bayanihan at malasakit ang ating sandata. Sama-sama nating pangalagaan ang bawat Bagakeño.

  | AUGUST 28, 2026📢 PAALALA SA ATING MGA KABABAYANAlinsunod sa Heavy Rainfall Advisory ng DOST-PAGASA at bilang pag-iin...
27/08/2026

| AUGUST 28, 2026

📢 PAALALA SA ATING MGA KABABAYAN

Alinsunod sa Heavy Rainfall Advisory ng DOST-PAGASA at bilang pag-iingat sa patuloy na epekto ng Habagat, ipinapaalam po na WALANG PASOK BUKAS, Agosto 28, 2026, para sa Pre-School, Elementary, Junior High School, at Senior High School, sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Bagac.

Ang hakbang na ito ay isinagawa bilang rekomendasyon ng MDRRMC, upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o at school personnel.

Hinihiling po natin ang pakikiisa ng bawat isa. Manatiling ligtas, iwasang pumunta sa mga lugar na may pagbaha o pagguho ng lupa, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso mula sa LGU Bagac, MDRRMO at DOST-PAGASA.

Kaligtasan ng bawat Bagakeño ang ating pangunahing prayoridad.

Mag-ingat po tayong lahat! 🌧️☔

At dahil Biyernes na rin… LONG WEEKEND NA, BAGAKEÑO!
Pero tandaan: safety first pa rin!

MALIGAYANG KAARAWAN, KAP. JESSIE BELANIO! 🎂🎉Isang taos-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan kay Kap. Jessie Belanio, Pu...
27/08/2026

MALIGAYANG KAARAWAN, KAP. JESSIE BELANIO! 🎂🎉

Isang taos-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan kay Kap. Jessie Belanio, Punong Barangay ng Barangay Binukawan, Bagac, Bataan!

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, mahabang buhay, at lakas upang patuloy na makapaglingkod at maging katuwang ng ating mga kababayan.

Maraming salamat sa inyong dedikasyon at malasakit sa Barangay Binukawan. 💚

MALIGAYANG KAARAWAN, SIR LEONARDO UNAD HERBON! 🎂🎉Isang masaya at taos-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan sa ating Mun...
27/08/2026

MALIGAYANG KAARAWAN, SIR LEONARDO UNAD HERBON! 🎂🎉

Isang masaya at taos-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan sa ating Municipal Tourism Officer, Sir Leonardo Unad Herbon!

Sa inyong walang sawang dedikasyon, sipag, at pagmamahal sa Bayan ng Bagac, patuloy ninyong naipapakita sa ating mga kababayan at sa mga bisita ang natatanging ganda, kultura, kasaysayan, at turismo ng ating bayan.

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, mahabang buhay, karunungan, at higit pang tagumpay sa inyong buhay at paglilingkod.

Maraming salamat sa inyong mahalagang ambag sa patuloy na pagsusulong at pagpapakilala ng Bagac bilang isang bayan na may kuwentong dapat ipagmalaki at kulturang dapat pangalagaan.

Mula sa Pamahalaang Bayan ng Bagac, sa pangunguna ng inyong lingkod, Mayor Ron Del Rosario, at ng buong Bagac community, aming ipinapaabot ang pinakamainit na pagbati sa inyong kaarawan!

Happy Birthday, Sir Leonardo! 🎂🎉
Patuloy nating isulong ang turismo, kultura at pagkakaisa ng Bagac!

🎉🎂 MALIGAYANG KAARAWAN, ADMIN THEA N. MARTINEZ! 💐Isang mainit at taos-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan sa iyo, Admi...
26/08/2026

🎉🎂 MALIGAYANG KAARAWAN, ADMIN THEA N. MARTINEZ! 💐

Isang mainit at taos-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan sa iyo, Admin Thea!💚
Nawa’y patuloy kang pagpalain ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at tagumpay sa buhay. Hiling ko na maging makabuluhan at puno ng magagandang biyaya ang bawat araw ng iyong bagong taon.

Maraming salamat sa iyong sipag, dedikasyon, at malasakit sa ating mga kababayan. Patuloy nating isulong ang tapat at maayos na paglilingkod para sa ating minamahal na Bayan ng Bagac.

Maligayang Kaarawan, Admin Thea N. Martinez! 🥳🎂

— Mula sa Pamahalaang Bayan ng Bagac


24/08/2026



Noong Agosto 17, 2026, personal nating binisita at kumustahin ang ating mga kababayan ng nasalanta ng Habagat.

Sa gitna ng pagsubok, nais nating iparamdam sa bawat pamilyang apektado ng hindi sila nag-iisa. Patuloy tayong makikinig, tutugon, at kikilos upang maibigay ang kinakailangang tulong at suporta.

Bilang inyong lingkod, tungkulin nating maging kasama ninyo hindi lamang sa panahon ng kaginhawaan, kundi higit lalo sa panahon ng pangangailangan.

Bayanihan, Malasakit, at pagkakaisa sama sama nating malalampasan ang anumang pagsubok.

We Can Make it Bagakeño, Kaya natin to! 💚


 📢 SUSPENSIYON NG KLASE | AGOSTO 20, 2026Bilang pag-iingat sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at kawani, suspen...
19/08/2026



📢 SUSPENSIYON NG KLASE | AGOSTO 20, 2026

Bilang pag-iingat sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at kawani, suspendido ang face-to-face classes bukas, Agosto 20, 2026, sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Bagac, dulot ng patuloy at matinding pag-ulan na nararanasan bunsod ng Habagat.

Upang maipagpatuloy ang pagkatuto, maaaring magsagawa ng Online Classes, Modular Distance Learning, at iba pang naaangkop na learning modalities, alinsunod sa kapasidad at pagpapasya ng bawat paaralan.

Hinihikayat ko ang lahat na manatiling ligtas, alerto, at nakatutok sa mga opisyal na abiso ng lokal na pamahalaan at mga kinauukulang ahensya.

Sa panahong ganito, kaligtasan muna bago ang lahat. Ingatan natin ang bawat isa, lalo na ang ating mga kabataan.

Mag-ingat po tayong lahat, mga Bagakeño! 💚

  | SUSPENSYON NG KLASEDahil sa patuloy na pag-ulan at sama ng panahon, gayundin sa Orange Rainfall Warning, ipinababati...
18/08/2026

| SUSPENSYON NG KLASE

Dahil sa patuloy na pag-ulan at sama ng panahon, gayundin sa Orange Rainfall Warning, ipinababatid sa ating mga kababayan na suspendido ang klase sa lahat ng antas bukas, Agosto 19, 2026 (Miyerkules), sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Bagac.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng ating patuloy na pag-iingat upang maprotektahan ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at mga kawani ng paaralan.

Samantala, maaaring ipagpatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng online classes o modular distance learning, alinsunod sa pagpapasya ng mga School Heads at sa kakayahan ng bawat paaralan.

📌 PARA SA COLLEGE LEVEL:
Hinihikayat ang lahat ng mga mag-aaral sa kolehiyo na manatiling nakaantabay at nakatutok sa opisyal na page ng Bataan Peninsula State University (BPSU) para sa mga kaukulang anunsyo at updates hinggil sa klase.

Mag-ingat po tayong lahat. Sa panahon ng pagsubok, ang pagkakaisa, kahandaan, at malasakit ang ating pinakamabisang panangga.

  | SUSPENSYON NG KLASEDahil sa patuloy na pag-ulan at sama ng panahon, gayundin sa Orange Rainfall Warning, ipinababati...
17/08/2026

| SUSPENSYON NG KLASE

Dahil sa patuloy na pag-ulan at sama ng panahon, gayundin sa Orange Rainfall Warning, ipinababatid sa ating mga kababayan na suspendido ang klase sa lahat ng antas bukas, Agosto 18, 2026 (Martes), sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Bagac.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng ating patuloy na pag-iingat upang maprotektahan ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at mga kawani ng paaralan.

Samantala, maaaring ipagpatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng online classes o modular distance learning, alinsunod sa pagpapasya ng mga School Heads at sa kakayahan ng bawat paaralan.

📌 PARA SA COLLEGE LEVEL:
Hinihikayat ang lahat ng mga mag-aaral sa kolehiyo na manatiling nakaantabay at nakatutok sa opisyal na page ng Bataan Peninsula State University (BPSU) para sa mga kaukulang anunsyo at updates hinggil sa klase.

Hinihiling ko sa lahat na manatiling mapagmatyag, iwasan ang mga lugar na maaaring bahain o magkaroon ng pagguho, at patuloy na sundin ang mga abiso ng ating mga awtoridad.

Unahin natin ang kaligtasan. Walang anumang aral na mas mahalaga kaysa sa buhay at kapakanan ng bawat Bagakeño.

Mag-ingat po tayong lahat. Sa panahon ng pagsubok, ang pagkakaisa, kahandaan, at malasakit ang ating pinakamabisang panangga.

WORK AND CLASSES SUSPENDED | AGOSTO 17, 2026Alinsunod sa Memorandum Circular No. 127 mula sa Tanggapan ng Pangulo, suspe...
17/08/2026

WORK AND CLASSES SUSPENDED | AGOSTO 17, 2026

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 127 mula sa Tanggapan ng Pangulo, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga paaralan sa buong Lalawigan ng Bataan.

Kasabay nito, ipatutupad ang Alternative Work Arrangement (AWA) sa lahat ng pampublikong tanggapan at ahensya ng pamahalaan simula alas-12:00 ng tanghali, ngayong Agosto 17, 2026, dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Habagat.
Samantala, magpapatuloy ang operasyon ng mga ahensyang nagbibigay ng pangunahing serbisyo, tulong, at disaster response upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga kababayan.

Ang pagsuspinde ng trabaho sa mga pribadong kumpanya at establisyimento ay ipinauubaya sa pagpapasya ng kani-kanilang pamunuan.

Mga kababayan nating Bagakeño, patuloy po tayong mag-ingat at maging mapagmatyag. Iwasan ang mga lugar na maaaring bahain o magkaroon ng pagguho ng lupa at patuloy na makinig sa mga opisyal na abiso mula sa inyong barangay at sa Pamahalaang Bayan.

Ibayong pag-iingat po sa ating lahat. Manatiling ligtas, Bagac! 💚

Address

Bagac
2107

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ron Del Rosario posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category