27/04/2026
๐ซ ๐๐๐ช๐๐ ๐๐ฃ๐๐ ๐ซ
Paalala para sa lahat! Ang mga proyekto, gusali, at ayuda na inihahatid sa ating mga komunidad ay hindi galing sa sariling bulsa ng mga opisyalโito ay mula sa buwis ng bawat mamamayang Pilipino. ๐ต๐ญ
Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga pampublikong proyekto para sa personal na promosyon ng mga politiko. Narito ang mga dapat nating bantayan:
๐ข SA MGA INFRASTRUCTURE AT GUSALI
Hindi dapat makita ang pangalan, mukha, o kahit ang mga initials ng mga opisyal sa:
โข Mga pampublikong gusali (schools, health centers, gymnasiums).
โข Mga kalsada, tulay, at waiting sheds.
โข Mga ambulansya, service vehicles, at heavy equipment.
โข Ang mga signage o billboard ng proyekto ay dapat naglalaman lamang ng detalye ng proyekto at hindi ng litrato ng politiko.
๐ค SA PAGBIBIGAY NG AYUDA O ASSISTANCE
Alinsunod sa Pagpapayo ng DILG, nilagdaan ni Acting Mayor Nestor ang isang Memorandum bilang 23, Series of 2026 na ang distribusyon ng tulong (financial aid, relief goods, scholarships) ay hindi dapat nagiging "political rally":
โข Bawal ang mahabang talumpati: Hindi dapat gamitin ang okasyon para sa pangangampanya o self-promotion.
โข Bawal ang mukha sa packaging: Ang mga supot ng relief o kits ay hindi dapat may tatak ng mukha o pangalan ng opisyal.
โข Attendance is enough: Ang presensya ng opisyal ay dapat bilang pag-obserba lamang, hindi para ipamukha na sa kanila utang na loob ang tulong.
โ๏ธ BAKIT ITO MAHALAGA?
Ang serbisyo publiko ay dapat neutral at tapat. Ang paglalagay ng pangalan o mukha sa mga ari-arian ng gobyerno ay isang paraan ng pag-angkin sa perang hindi naman kanila. Ang tunay na lingkod-bayan ay nagtatrabaho para sa tao, hindi para sa sariling sikat.
๐ข Maging mulat, kabayan!
Huwag hayaang gamitin ang iyong buwis para sa personal na interes ng iilan. Ang tulong mula sa gobyerno ay iyong karapatan, hindi mo kailangang tumanaw ng utang na loob sa mga "Epal."
I-share ang post na ito para sa kaalaman ng ating mga ka-barangay! โ