01/06/2022
For the past year, ang maliit na opisinang ito ang naging headquarters ng team AAA. Maraming nabuong pagkakaibigan, maraming taong natulungan dahil sa opisinang ito.
3rd floor sa Aurelio Building, kaya madalas pag dating ng mga tao ay pagod umakyat ng hagdan. (Pero lagi naman may libreng bottled water kami binibigay para mapawi yung pagod nila.)
Alam ng mga tao na pagbukas ng pintuan sa opisina namin ay madalas ako agad ang makikita ninyo. Hindi ko kasi ugali na magtago sa mga tao. Gusto kong hinaharap sila at pinapakinggan kung ano ang problema nila para malaman ko kung ano ba ang maari kong maitulong.
Dahil hindi tayo pinalad noong nakaraang Eleksyon ay atin na ding isinasara ang opisinang ito. Palagi akong magpapasalamat sa lahat ng tao na nagbigay ng kulay at buhay sa ating kampanya.
Hindi man tayo nanalo, alam kong tayo ay nagtagumpay sa dami ng mga natulungan natin.
Hanggang sa muli, Caloocan. Programa, Hindi Pangako.