11/08/2026
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na nagpabakuna sa kanilang mga anak laban sa tigdas (Measles), tipdas-hangin (Rubella). Ang inyong pagpapasya ay nagbibigay ng matibay na proteksyon sa kalusugan ng mga bata at nagpapatibay sa kaligtasan ng buong komunidad.
Kahalagahan ng Inyong Ginawa
Ang pagpapabakuna ay isang mabisang paraan upang iligtas ang mga kabataan sa mapanganib na mga sakit.
* Proteksyon sa Kalusugan: Nailayo ninyo ang inyong mga anak sa malalang komplikasyon ng tigdas, at Tigdas-hangin.
* Kaligtasan ng Komunidad: Nakatulong kayo sa pagpapalakas ng tinatawag na herd immunity sa ating lugar.
* Magandang Kinabukasan: Nabigyan ninyo ang inyong mga anak ng malusog na katawan para sa kanilang pag-aaral at paglaki.
Patuloy po kaming nag aanyaya sa lahat ng mga nanay na pabakunahan ang inyong mga anak na may edad 6 na buwan hanggang mag Lilimang taong gulang (59 months)
Masaya kaming ibahagi sa inyo na may 68 bata ang nabakunahan sa ating unang araw…..