Sangguniang Kabataan - Barangay Habay 1

Sangguniang Kabataan - Barangay Habay 1 Sangguniang Kabataan Habay 1 Batch 2023 Headed By SK Chairperson, Hon. Athena Louie V. Cenizal

๐Ÿ€๐Ÿ’š BUKAS NA ANG GRAND OPENING NG SKH1SBL SEASON 3! ๐Ÿ’š๐Ÿ€Handa na ba kayong simulan ang isa na namang exciting na season ng ...
12/06/2026

๐Ÿ€๐Ÿ’š BUKAS NA ANG GRAND OPENING NG SKH1SBL SEASON 3! ๐Ÿ’š๐Ÿ€

Handa na ba kayong simulan ang isa na namang exciting na season ng basketball? Tara na at makiisa sa ating Opening Ceremony at suportahan ang ating mga koponan!

๐Ÿฅค Huwag kalimutang dumaan sa MILO Booth!
โœจ Libreng MILO samples
๐Ÿ’š Mas maraming saya at enerhiya para sa lahat!

Inaanyayahan namin ang buong komunidad na makiisa at maging bahagi ng makulay na pagbubukas ng SKH1SBL Season 3.

๐Ÿ“ Palo Alto Covered Court | 2:30 PM

Sama-sama nating ipagdiwang ang sportsmanship, pagkakaisa, at pagmamahal sa basketball! ๐Ÿ€๐Ÿ”ฅ

Back to SKool: School Supplies Distribution. | 05/27/2026Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa ami...
27/05/2026

Back to SKool: School Supplies Distribution. | 05/27/2026
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa aming programa. Sa simpleng paraan, muli nating naipadama na ang edukasyon ay mas napapadali kapag may komunidad na handang tumulong at makiisa. โค๏ธ

Nawaโ€™y magsilbing inspirasyon at dagdag motibasyon ang munting tulong na ito sa ating mga estudyante para mas pagbutihin pa ang kanilang pag-aaral ngayong pasukan.

Maraming salamat sa inyong tiwala, kooperasyon, at pasensya. Hanggang sa susunod pang mga programang para sa kabataan! ๐Ÿ’™โœ๏ธ๐Ÿ“–

๐ŸŽ’๐Ÿ“š BACK TO SKOOL 2026 ๐Ÿ“š๐ŸŽ’Handog ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Habay 1 ang isang munting tulong para sa ating mga estud...
25/05/2026

๐ŸŽ’๐Ÿ“š BACK TO SKOOL 2026 ๐Ÿ“š๐ŸŽ’

Handog ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Habay 1 ang isang munting tulong para sa ating mga estudyante ngayong pasukan! ๐Ÿ’–

Narito na ang official schedule ng ating School Supplies Distribution. Inaanyayahan namin ang lahat ng mga napiling benepisyaryo na makiisa at sundin ang mga paalala upang maging maayos at organisado ang pamamahagi.

๐Ÿ“… May 27, 2026
โฐ 9:00 AM โ€“ 12:00 PM
๐Ÿ“ Palo Alto Covered Court

Narito na ang opisyal na listahan ng mga benepisyaryo para sa ating Back to SKool Project! ๐ŸŽ’โœ๏ธ Ang programang ito ay han...
21/05/2026

Narito na ang opisyal na listahan ng mga benepisyaryo para sa ating Back to SKool Project! ๐ŸŽ’โœ๏ธ Ang programang ito ay handog ng inyong Sangguniang Kabataan bilang suporta sa bawat kabataang naghahanda para sa panibagong taon ng pag-aaral. ๐Ÿ’™

Lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa sa programang ito. Nawaโ€™y maging inspirasyon ang simpleng tulong na ito upang lalo kayong magsumikap sa inyong pag-aaral at maabot ang inyong mga pangarap. ๐ŸŒŸ

๐Ÿ“Œ Pakicheck mabuti ang inyong pangalan sa listahan.
๐Ÿ“Œ Hintayin ang opisyal na anunsyo para sa schedule at venue ng distribution.
๐Ÿ“Œ Magdala ng valid ID o anumang proof of identity sa pag-claim.

Patuloy na magsisilbi ang SK para sa kapakanan, edukasyon, at kinabukasan ng kabataan. Sama-sama nating ipakita na ang kabataang handa ay kabataang may pag-asa para sa mas magandang bukas. ๐Ÿซถ๐Ÿ“–

๐Ÿ“š๐ŸŽ’ ๐๐€๐‚๐Š ๐“๐Ž ๐’๐Š๐Ž๐Ž๐‹ | School Supplies Distribution โœ๏ธ๐Ÿ“–Handa na ba ang lahat para sa panibagong school year? ๐Ÿ’™๐Ÿ’›Ang Sanggunia...
10/05/2026

๐Ÿ“š๐ŸŽ’ ๐๐€๐‚๐Š ๐“๐Ž ๐’๐Š๐Ž๐Ž๐‹ | School Supplies Distribution โœ๏ธ๐Ÿ“–

Handa na ba ang lahat para sa panibagong school year? ๐Ÿ’™๐Ÿ’›
Ang Sangguniang Kabataan ng Brgy. Habay 1 ay muling maghahandog ng school supplies para sa ating mga kabataang mag-aaral! ๐Ÿซถ

๐Ÿ“Œ ๐„๐‹๐ˆ๐†๐ˆ๐๐ˆ๐‹๐ˆ๐“๐˜:
โœ” JHS
โœ” SHS
โœ” College Students

๐Ÿ“Œ ๐‡๐Ž๐– ๐“๐Ž ๐‰๐Ž๐ˆ๐:
โ€ข Mag-message lamang sa aming page ng pangalan at year level ng estudyante
(๐—›๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ: Juan Cruz โ€“ Grade 7)
โ€ข 1 account = minimum of 1 student / maximum of 3 students only
โ€ข Hintayin ang aming confirmation reply

โš ๏ธ ๐‹๐ˆ๐Œ๐ˆ๐“๐„๐ƒ ๐’๐‹๐Ž๐“๐’ ๐Ž๐๐‹๐˜!
Sama-sama nating suportahan ang edukasyon at tulungan ang ating mga kabataan na makapagsimula ng klase nang handa at inspirado. ๐Ÿ“šโœจ

Mga ka-barangay at kaibigan, tayo po ay nananawagan sa inyong mabubuting puso. ๐Ÿ™Ang mga biktima ng sunog sa Silangan Hab...
01/05/2026

Mga ka-barangay at kaibigan, tayo po ay nananawagan sa inyong mabubuting puso. ๐Ÿ™

Ang mga biktima ng sunog sa Silangan Habay 1 ay nangangailangan ng agarang tulong upang makabangon muli mula sa trahedyang kanilang naranasan.

Sa mga nais pong tumulong, kami po ay tumatanggap ng:
โ€ข Used clothes (kahit pambata o pang-adult)
โ€ข Food packs o anumang pagkain
โ€ข Hygiene kits tulad ng sabon at shampoo

Hindi man natin kayang burahin ang nangyari, kaya po nating pagaanin ang kanilang pinagdadaanan sa pamamagitan ng sama-samang pagtulong.

I-message lamang po kami para sa detalye kung paano makakapag-donate. Maraming salamat po sa inyong kabutihan!

Mas lalong lumalakas ang laban! ๐Ÿ€๐Ÿ’ฏTalagang may humahabol pa sa Senior Division, handang ipakita ang kanilang husay, disk...
29/04/2026

Mas lalong lumalakas ang laban! ๐Ÿ€๐Ÿ’ฏ

Talagang may humahabol pa sa Senior Division, handang ipakita ang kanilang husay, diskarte, at solid na teamwork sa court.
Asahan ang mas matitinding bakbakan at dikdikan na aksyon sa bawat game. Game on na talaga! ๐Ÿ‘Š๐Ÿ”ฅ

Suportahan ang bawat koponan sa SKH1SBL Season 3!

May humahabol! ๐Ÿ‘€๐Ÿ€Opisyal nang sumasabak sa laban ang Team Unboxing PH bilang pahabol team sa Junior Division!Huwag malii...
29/04/2026

May humahabol! ๐Ÿ‘€๐Ÿ€
Opisyal nang sumasabak sa laban ang Team Unboxing PH bilang pahabol team sa Junior Division!

Huwag maliitin! dala nila ang matinding gigil, lakas, at determinasyon na makipagsabayan sa bawat koponan. Siguradong may pasabog ang grupong ito sa court! ๐Ÿ’ฅ๐Ÿ‘Š

Address

Habay 1
Bacoor
4102

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan - Barangay Habay 1 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share