04/04/2026
Sangguniang Barangay Salinas Uno
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐, ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐ฏ๐ข๐ญ๐ โ Agarang rumesponde ang pinagsanib na pwersa ng ๐๐ฎ๐ฐ๐ผ๐ผ๐ฟ ๐ฃ๐ก๐ฃ, ๐๐ฎ๐ฐ๐ผ๐ผ๐ฟ ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ ๐ ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฒ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐๐บ๐ฒ๐ป๐ (๐๐ง๐ ๐), ๐๐ฎ๐ฐ๐ผ๐ผ๐ฟ ๐๐ถ๐๐ฎ๐๐๐ฒ๐ฟ ๐ฅ๐ถ๐๐ธ ๐ฅ๐ฒ๐ฑ๐๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ (๐๐๐ฅ๐ฅ๐ ๐ข) ๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐น๐น ๐ฆ๐ฒ๐ฐ๐๐ฟ๐ถ๐๐ sa isang insidente kung saan isang babae ang biglang nanghina at nahimatay sa gilid ng kalsada malapit sa ๐๐ ๐๐ช๐ต๐บ ๐๐ข๐ค๐ฐ๐ฐ๐ณ noong ๐ฆ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ฑ๐ผ ๐ฑ๐ฒ ๐๐น๐ผ๐ฟ๐ถ๐ฎ, ๐๐ฏ๐ฟ๐ถ๐น ๐ฐ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ.
Kaagad na tumugon sina ๐ฃ๐ฆ๐ ๐ฆ ๐ฅ๐ผ๐บ๐ฎ๐ฟ ๐ฉ ๐ฆ๐ถ๐ป๐ป๐๐ป๐ด ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ ๐๐ผ๐ ๐๐ฒ๐น๐น๐ฒ ๐ ๐ฃ๐๐ป๐ผ ng ๐๐ฎ๐ฐ๐ผ๐ผ๐ฟ ๐ฃ๐ก๐ฃ na nooโy naka-duty, at nakipag-ugnayan sa mga tauhan ng ๐๐ง๐ ๐ at ๐๐๐ฅ๐ฅ๐ ๐ข upang mabigyan ng agarang tulong ang biktima.
Ayon sa ulat, agad na binigyan ng paunang lunas ang babae na nangangailangan ng agarang atensyong medikal. Sa tulong ng mabilis at maayos na koordinasyon ng mga rumespondeng ahensya, natiyak ang kanyang kaligtasan at agarang pag-asikaso.
Ipinakita ng naturang insidente ang kahandaan at epektibong pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan sa Bacoor sa pagtugon sa mga emerhensiya, lalo na sa panahon ng Semana Santa kung kailan inaasahan ang pagdami ng mga tao sa mga pampublikong lugar.
Patuloy namang pinaaalalahanan ang publiko na maging mapagmatyag at agad ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang anumang insidente upang mabigyan ng kaukulang aksyon.