29/09/2026
LIBRENG RABIES VACCINATION PROGRAM! 💉🐶🐱
🗓️SCHEDULE:
October 01, 2026 | 9:00 AM - 12:00 NN
📍Barangay Molino 3 - Camella Carson Clubhouse
October 01, 2026 | 1:00 PM - 3:00 PM
📍Barangay Molino 3 - Classic Square Clubhouse
October 01, 2026 | 9:00 AM - 12:00 NN
📍Barangay Molino 3 - Bellazona Castille Clubhouse
October 01, 2026 | 1:00 PM - 3:00 PM
📍Barangay Molino 3 - Springville Clubhouse
MGA KINAKAILANGAN:
1. Siguraduhin na ang inyong mga alagang aso at pusa ay malusog—walang pagsusuka, LBM, muta, sipon, o anumang sakit.
2. Ang aso at/o pusa ay dapat may edad na tatlong (3) buwan pataas.
3. Kung mayroon, dalhin ang Vaccination Card ng inyong aso o pusa.
4. Ang mga alagang hayop ay dapat nakatali o nasa carrier para sa kanilang kaligtasan.
5. Siguraduhing malinis o napaliguan ang inyong aso at/o pusa bago dalhin sa pagbabakuna.
6. Ang may-ari ng alagang hayop ay dapat residente ng Bacoor. Magdala ng Valid ID na may address bilang patunay.
7. Mangyaring magdala ng plastic para sa maayos na pagtatapon ng dumi ng inyong alagang aso at/o pusa.
Para sa iba pang katanungan, maaring tumawag sa aming tanggapan, Office of Veterinary Services sa (0966) 827 0252.
Subaybayan ang aming page para sa mga iskedyul, petsa, at lokasyon ng bakuna sa inyong barangay upang masig**ong protektado laban sa rabies ang inyong mga alagang hayop!