01/06/2026
ππ« BRIGADA ESKWELA 2026 | HABAY ELEMENTARY SCHOOL
Sa diwa ng bayanihan at pagtutulungan, matagumpay na nakiisa ang ating Barangay Habay 2 sa Brigada Eskwela 2026 ng Habay Elementary School.
Kasama ang ating mga Barangay Tanod, at HABAY II Emergency Response Team (ERT), nagsagawa tayo ng iba't ibang gawaing paghahanda upang masiguro ang ligtas, maayos at kaaya-ayang kapaligiran para sa pagbubukas ng klase.
Ang programang ito ay naisakatuparan sa pangunguna ni Punong Barangay Miles Bautista-Querijero At Barangay Council, bilang patuloy na suporta sa edukasyon at kapakanan ng ating mga mag-aaral.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naglaan ng kanilang oras at serbisyo. Ang inyong malasakit at pagkakaisa ay patunay na ang tagumpay ng ating mga kabataan ay tagumpay ng buong komunidad.