30/08/2026
🚨 TAMANG GAMIT NG DOXYCYCLINE, IWAS LEPTOSPIROSIS! 💊🦠
Ngayong tag-ulan, huwag basta-basta uminom ng doxycycline! Ang leptospirosis ay maaaring makuha kapag nalantad sa tubig baha o putik na kontaminado ng ihi ng infected na hayop.
💊 Kung inireseta o ipinagkaloob bilang prophylaxis, sundin nang tama ang dosage at payo ng health worker.
❌ Huwag mag-self-medicate.
⚠️ May mga taong hindi dapat uminom ng doxycycline, kabilang ang mga buntis, nagpapasuso, at maliliit na bata—kumonsulta muna sa health professional.
🌧️ Iwas lumusong sa baha kung maaari. Kung kinakailangang lumusong, magsuot ng protective footwear at panatilihing malinis ang katawan pagkatapos.
👉 Na-expose sa baha at may sintomas tulad ng lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng katawan, pamumula ng mata, pagsusuka, o paninilaw?
Magpatingin agad sa pinakamalapit na health facility.
📌 Tandaan: Ang tamang impormasyon at maagap na pagpapatingin ay mahalagang panangga laban sa leptospirosis.