Barangay Queen’s Row East

Barangay Queen’s Row East Serbisyong mabilis at walang mintis

𝐅𝐋𝐀𝐆 𝐑𝐀𝐈𝐒𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐄𝐑𝐄𝐌𝐎𝐍𝐘 🇵🇭                                                   Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat n...
07/09/2026

𝐅𝐋𝐀𝐆 𝐑𝐀𝐈𝐒𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐄𝐑𝐄𝐌𝐎𝐍𝐘 🇵🇭

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng dumalo at nakiisa sa ating Monday Flag Raising Ceremony sa kabila ng hindi magandang panahon.

Ang inyong dedikasyon at suporta, kahit na umuulan at masama ang panahon, ay tunay na nagpapakita ng pagkakaisa, disiplina, at malasakit sa ating komunidad.

Maraming salamat sa inyong oras at pakikiisa. Nawa’y patuloy tayong magtulungan at magsilbi nang may buong puso para sa ikabubuti ng ating barangay.

Maraming salamat din po sa Eastern Bacoor National High School. Isang malaking karangalan po para sa isang barangay na mapiling ganapin sa covered court ang school intramurals.

Mag-ingat po tayong lahat at magkaroon ng isang ligtas at produktibong lunes!👏🙏❤️



MATAGUMPAY ANG UNANG SESSION NG FREE TAEKWONDO TRAINING SA ATING BARANGAY!  Maraming salamat sa ating mga kabataan at sa...
06/09/2026

MATAGUMPAY ANG UNANG SESSION NG FREE TAEKWONDO TRAINING SA ATING BARANGAY!

Maraming salamat sa ating mga kabataan at sa mga magulang na buong pusong nakilahok sa programang ito.

Isang malaking pasasalamat kay Coach W***y sa kanyang walang sawang pagtuturo at paggabay sa ating mga kabataan.

Ang programang ito ay inilunsad upang hubugin ang ating kabataan sa:
✔️Disiplina
✔️Self‑Confidence
✔️Self‑Defense
At higit sa lahat, pagmamahal sa ating komunidad

Lubos na pasasalamat sa Education Committee sa pangunguna ni Kagawad Cristy Frago, sa kanyang inisyatibo na maglunsad ng ganitong makabuluhang programa, na may buong suporta mula sa ating Punong Barangay Theodore Montes at Team Montes.

“Sa bawat sipa, may disiplina. Sa bawat galaw, may dangal. Sa bawat kabataan, may pag‑asa ng komunidad.”

Sama‑sama nating itaguyod ang lakas, tapang, at pagkakaisa ng kabataan ng Queen’s Row East!






PAALALA: Kita-kits po tayo bukas, September 6 para sa FREE TAEKWONDO TRAINING! Sa mga gustong sumali, pumunta lamang po ...
04/09/2026

PAALALA: Kita-kits po tayo bukas, September 6 para sa FREE TAEKWONDO TRAINING!

Sa mga gustong sumali, pumunta lamang po sa Barangay Hall at mag-register.

Sama-sama nating gawing masaya at makabuluhan ang ating programa!

Huwag palampasin ang pagkakataon na matuto ng Taekwondo, isang sport na nagtuturo ng lakas, respeto, at disiplina!


“SIPA NG PAG-ASA: FREE TAEKWONDO TRAINING SA BARANGAY QUEEN’S ROW EAST!”

🥋 LIBRENG TAEKWONDO TRAINING!
📅 September 6, 2026 | 8AM–11AM
📍 Brgy. Court, Queen’s Row East
👧 Para sa mga batang edad 6–15 taon

Isang makabuluhang programa para sa kabataan — handog sa inyo ng Education Committee sa pangunguna ni Kagawad Cristy Frago, katuwang ang ating butihing Kapitan Theodore Montes at ang buong Barangay Council.

Kasama natin si Coach W***y, handang magturo at mag‑ensayo sa ating mga kabataan upang matutunan ang tamang teknik, disiplina, at respeto sa larangan ng Taekwondo!

At higit pa rito, matututunan ng mga kabataan ang self-defense skills na magagamit nila sa pang-araw-araw na buhay, para sa kanilang kaligtasan at kumpiyansa.

“Sa bawat sipa, may disiplina. Sa bawat galaw, may dangal.”

Ang Taekwondo ay hindi lang sport; ito ay pagsasanay sa tapang, respeto, at pagkakaisa!

Para sa mga gustong magpalista at sumali, pumunta lamang sa Barangay Hall at magpalista kay Admin Niña Montes-Villanueva
Huwag palampasin ang pagkakataong matuto, mag‑ensayo, at maging bahagi ng bagong henerasyon ng mga disiplinadong kabataan ng Queen’s Row East!

📣 Tara na! Ipakita ang iyong lakas, tapang, at disiplina!





List of Eligible Beneficiaries of Pantawid Pamilyang Pilipino Program or 4psFor Validation 📍 Barangay Molino 3 Covered C...
03/09/2026

List of Eligible Beneficiaries of Pantawid Pamilyang Pilipino Program or 4ps

For Validation

📍 Barangay Molino 3 Covered Court
📅 September 29, 2026
⏰ time, to be announced

📌 Bring the Following Requirements:
✅ Birth Certificate sa miyembro sa pamilya
✅ Marriage Contract
✅ Death Certificate sa mga membro yumao(Optional)
✅ National I.D
✅ School attendance certificate
✅Valid I.D sa mga bata Estudyante
✅ Health Attendance Certificate

Maraming Salamat po! 👏🙏 ❤️




02/09/2026
📢 LOST AND FOUND CELLPHONE 📱. May napulot po na cellphone ang mga Grade 8 students from Eastern High School  lagpas dito...
28/08/2026

📢 LOST AND FOUND CELLPHONE 📱.

May napulot po na cellphone ang mga Grade 8 students from Eastern High School lagpas dito sa barangay kanina bago mag 12:00nn. Sila ay nagsadya ngaun sa ating barangay para turn over ang cellphone.

Maraming Salamat 👏👏👏 sa inyong katapatan at malasakit sa kapwa, isa kayong inspirasyon para sa mga kapwa niyo estudyante.🫡 🫡 🫡

Ang sinumang may-ari nito ay maaaring magtungo sa ating Barangay Hall upang ma-verify at ma-claim ang nasabing cellphone. Hanapin po si Admin Niña Montes- Villanueva.

Maraming salamat po! 👏🙏❤️


28/08/2026

𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗞 𝗔𝗡𝗗 𝗖𝗟𝗔𝗦𝗦𝗘𝗦 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗗𝗘𝗗 𝗢𝗡 𝗔𝗨𝗚𝗨𝗦𝗧 𝟮𝟴

Pursuant to Memorandum Circular No. 132, work in government offices and classes at all levels in public and private schools shall be suspended in the National Capital Region and the following provinces at 1:00 p.m. on August 28, 2026, in anticipation of the further enhancement of the Southwest Monsoon (Habagat) by the Low-Pressure Area (LPA) that entered the Philippine Area of Responsibility (PAR):

📍 National Capital Region (NCR)
📍 Abra
📍 Benguet
📍 Ilocos Sur
📍 La Union
📍 Pangasinan
📍 Bataan
📍 Bulacan
📍 Nueva Ecija
📍 Pampanga
📍 Tarlac
📍 Zambales
📍 Batangas
📍 Cavite
📍 Rizal
📍 Oriental Mindoro
📍 Occidental Mindoro

Agencies involved in the delivery of basic and health services, disaster preparedness and response, and other vital services shall continue their operations and render the necessary services.

The suspension of work or adoption of alternative work arrangements in the private sector shall be left to the discretion of management.

𝗣𝗔𝗚𝗗𝗜𝗥𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗪𝗜𝗞𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲! 🇵🇭Kahapon Agosto 27, 2026 ay ipinagdiwang ng mga batang daycare ang ganda at yaman ng...
28/08/2026

𝗣𝗔𝗚𝗗𝗜𝗥𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗪𝗜𝗞𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲! 🇵🇭

Kahapon Agosto 27, 2026 ay ipinagdiwang ng mga batang daycare ang ganda at yaman ng 𝘄𝗶𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗮𝘁 𝗸𝗮𝘀𝗮𝘆𝘀𝗮𝘆𝗮𝗻 na puno ng kulay, saya at makabuluhang pagkatuto! 🇵🇭✨

Dinaluhan ito ng ating napaka sipag na Punong Barangay Theodore "Dor" Montes, Kagawad Ted Montes, Barangay staff, Punong G**o Mr. Jerry Bido at mga estudyante na talaga namang hindi nag pahuli at ipinagmalaki ang kanilang mga naggagandahang kasuotan bilang sagisag ng kanilang pagka Filipino at pagpapakita ng kanilang pagmamahal, paggalang at pagrespeto sa ating Pambansang Wika.🇵🇭 ✨

Tunay ngang ang ating pagkakaisa at pagmamahal sa sariling wika ang nagbigay kulay at sigla sa ating pagdiriwang! 🎊🎉🎊

Mula tradisyon hanggang makabagong teknolohiya, patuloy natin ipasa ang pagmamahal sa 𝘄𝗶𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼. ❤️💙💛

𝗠𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗪𝗶𝗸𝗮! 🇵🇭

Maraming Salamat po! 👏🙏❤️






📚 TARA BASA PROGRAM PARTICIPANTS, MAGHANDA NA! 📚 Sa darating na BUWAN NG WIKA, August 30,2026 inaanyayahan namin ang lah...
27/08/2026

📚 TARA BASA PROGRAM PARTICIPANTS, MAGHANDA NA! 📚

Sa darating na BUWAN NG WIKA, August 30,2026 inaanyayahan namin ang lahat ng kalahok ng TARA BASA PROGRAM na makiisa at ipakita ang kanilang galing!

Mga Patimpalak:

Tula
Kanta
Poster Making
Pagbabasa

👗 Best in Costume:
Isuot ang inyong DIY costume at ipakita ang pagiging malikhain!

May mga papremyo ang naghihintay, at may paraffle pa para sa lahat ng kasali! 🎁

Ipagdiwang natin ang BUWAN NG WIKA sa masaya, makulay, at makabuluhang paraan!


27/08/2026

Address

Queens Row East
Bacoor
4102

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Queen’s Row East posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share