09/07/2026
https://www.facebook.com/share/p/1Lv3gPfyE8/?mibextid=wwXIfr
MEMORANDUM CIRCULAR No. 004-2026
Alinsunod sa masusing rekomendasyon mula sa ating City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), na walang tigil na nagbabantay sa ating sitwasyon, at gayundin sa pinakahuling ulat mula sa PAGASA-DOST, ipinababatid po natin na SUSPENDIDO ang FACE-TO-FACE CLASSES sa LAHAT NG ANTAS (pampubliko at pribado) sa buong Lungsod ng Bacoor bukas, Biyernes, ika-10 ng Hulyo 2026 dahil sa patuloy na masamang panahon dulot ng Bagyong INDAY at ng pinalakas na Habagat (Enhanced Southwest Monsoon) na maaaring maging sanhi ng mga pagbaha at iba pang sakuna.
Kaugnay nito, inaabisuhan ang lahat ng ating mga paaralan na sumunod sa mga probisyon ng DepEd Order No. 022, s. 2024. Mangyaring mag-shift po tayo sa modular distance learning, performance tasks, projects, o make-up classes kung ano man ang angkop, upang masigurong tuloy-tuloy pa rin ang pag-aaral at natutugunan ang mga learning competencies ng ating mga mag-aaral.
Ang kaligtasan ng bawat Bacooreño ang ating pangunahing prayoridad. Hinihiling ko po ang lahat na manatili sa inyong mga tahanan, maging alerto, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo mula sa ating pamahalaang lungsod.
Paalala sa mga magulang na huwag hayaang lumabas at maligo sa ulan, lalo na sa baha, ang mga bata upang maiwasan na sila ay magkasakit. Kung hindi maiwasan ang paglusong sa baha, magpunta agad sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar upang mabigyan kayo ng kaukulang gamot kung kinakailangan. Samantalahin din natin ang panahong ito upang makapaghanda sa iba pang posibleng epekto ng paparating na bagyong Inday sa ating mga tahanan.
Sama-sama po tayong manalangin na nawa’y malampasan natin ang pagsubok na dala ng paparating na bagyo sa ating lungsod at sa buong bansa. Mag-ingat tayong lahat at patnubayan nawa tayo ng Poong Maykapal.
Ang kautusang ito ay epektibo kaagad.
sgd.
Acting City Mayor CATHERINE S. EVARISTO
Chairperson, City DRRM Council
City of Bacoor, 09 July 2026