21/05/2026
Halina't Magpatala!✍️
Ang pagpapatala ay magsisimula sa Mayo 18 at magpapatuloy hanggang
Hunyo 6, 2025.
Simula ng regular na klase ay Hunyo 8,2026.
Bukas ang aming paaralan mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Dalhin po ang mga nakatalang kailangang dokumento ng mga mag-aaral at ballpen para sa pag fill-out ng Basic Education Enrollment Form (BEMEF).
📌MGA KAILANGANG DOKUMENTO SA PAGPAPATALA
✅KINDERGARTEN (Mayo 18,2026)
• Mga batang 5 taong gulang o higit pa bago o sa Oktubre 31, 2026
• Malinaw na Photocopy ng Birth Certificate
• Basic Enrollment Form na may tama at kompletong impormasyon
✅BAITANG 1-6 (Mayo 19-Mayo 25,2026)
Isang araw bawat baitang.
May 19 - Grade 1
May 20 - Grade 2
May 21 - Grade 3
May 25 - Grade 4-6
• Malinaw na Photocopy ng Birth Certificate
• Orihinal na Kindergarten Report Card / ECCD Checklist (para sa Grade 1)
• Orihinal na School Report Card (SF9)
• Basic Enrollment Form na may tama at kompletong impormasyon
✅BALIK-ARAL, TRANSFEREES at ALS learners at lahat ng late enrollees
(Mayo 27-June 6, 2026)
• Malinaw na Photocopy ng Birth Certificate
• Orihinal na Progress Report Card
• Basic Enrollment Form na may tama at kompletong impormasyon
📌PROSESO NG PAGPAPATALA
1. Kumuha ng Basic Enrollment Form sa nakatalagang enrolment desk para Grade level ng inyong anak o sa Records Section ng paaralan.
2. Ipasa ang sinagutang enrolment form sa itinalagang lugar o sa nakatalagang g**o, kalakip ang mga dokumento ng bata at pagsagot ng magulang sa mga katanungan ng g**o batay sa language o lenggwahe ng bata sa tahanan.
3. Hintayin ang confirmation slip mula sa nakatalagang g**o o non teaching personnel ng paaralan.
4.Parents Consent form (SBFP, Deworming)
5. Ang mga bata ay kasama upang makuhaan sila ng picture para sa ID system ng paaralan at masukat ang kanilang tangkad at timbang.
6. Ipapaskil sa lobby ng paaralan at sa mga pinto ng bawat kuwarto ang grade level at sections ng mga bata simula June 1 hanggang June 8.
📌Para sa karagdagang katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa Deped Tayo Dulong Bayan ES- Bacoor City (school official page) o bumisita sa paaralan.