18/06/2026
| ๐๐-๐ก๐๐ฅ ๐๐ป๐ถ๐น๐๐ป๐๐ฎ๐ฑ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐จ๐๐๐ก๐: ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฝ๐๐ฝ๐๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป๐ด๐ถ๐๐ฑ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฑ ๐ฆ๐ฎ๐ธ๐ฎ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Pormal nang inilunsad ng Department of Agriculture - Negros Island Region (DA-NIR) ang ๐๐จ๐๐๐ก๐: ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐๐ถ๐ฑ๐๐ป๐ด๐ผ๐ด ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ป๐ด๐๐บ๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ด ๐ ๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป๐ด๐ถ๐๐ฑ๐ฎ, ang rehiyonal na bersyon ng Gawad Saka 2026 na naglalayong kilalanin at parangalan ang mga natatanging magsasaka, mangingisda, organisasyon, institusyon, lokal na pamahalaan, kabataan, at iba pang mga katuwang sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura at pangisdaan sa Negros Island Region.
Hango sa salitang Hiligaynon na nangangahulugang kasaganaan, ang โBUGANAโ ay sumisimbolo sa masaganang ani, matatag na kabuhayan, at mahalagang ambag ng mga magsasaka at mangingisda sa pagtitiyak ng seguridad sa pagkain at pag-unlad ng mga pamayanan. Sa pamamagitan ng programang ito, binibigyang-pugay ng DA-NIR ang kanilang sipag, dedikasyon, at katatagan na nagsisilbing inspirasyon sa susunod na henerasyon ng mga agripreneur at food producers.
Bilang bahagi ng paghahanda para sa 51st Gawad Saka sa pambansang antas, magsisilbing mekanismo ang BUGANA upang sistematikong matukoy, maihanda, at mairekomenda ang mga karapat-dapat na nominado mula sa rehiyon. Saklaw nito ang ibaโt ibang kategorya kabilang ang pananim, paghahayupan, pangisdaan, kabataan, pananaliksik, extension services, agribusiness, kababaihan, mga organisasyon, at mga lokal na pamahalaan.
Sa pamamagitan ng BUGANA, layunin ng DA-NIR na palakasin ang pagkakaisa ng mga komunidad, hikayatin ang mas malawak na partisipasyon sa sektor ng agrikultura at pangisdaan, at makapagtaguyod ng mas matatag, inklusibo, at kompetitibong industriya sa rehiyon. Higit sa lahat, inaasahang magsisilbi itong daan upang maipakita sa pambansang entablado ang husay, inobasyon, at natatanging mga tagumpay ng mga magsasaka at mangingisda ng Negros Island Region.