26/11/2025
Kaya paikot-ikot si Sara Duterte sa OFWs sa iba’t ibang bansa hindi dahil may malinaw na programa kundi dahil madaling puntiryahin ang komunidad na ito. Marami sa kanila, sa sobrang abala sa trabaho at limitadong oras, kumukuha lang ng impormasyon mula sa Facebook feed, TikTok videos, o Viber groups. Ang resulta ay echo chamber kung saan paulit-ulit na pumapasok ang parehong post, parehong meme, at parehong narrative hanggang sa magmukhang katotohanan kahit malinaw na disinformation lang.
Sa political psychology, ito ay textbook case ng confirmation bias at echo chamber effect: kapag iisa lang ang naririnig ng isang grupo at tugma sa gusto nilang paniwalaan, nagmumukhang fact kahit propaganda. Idagdag pa ang spiral of silence kung saan natatabunan ang ibang opinyon dahil nangingibabaw ang boses ng iisang kampo at napipilitang manahimik ang mga hindi sang-ayon. Kapag iisa lang ang dominantly amplified voice, nagkakaroon ng false consensus effect na parang buong komunidad ay iisa ang posisyon kahit hindi naman.
Mas lalong halata ang diskarte dahil mismong mga taga-suporta nila ang hinihikayat na i-block at iwasan ang mainstream media. Ibig sabihin, sadyang pinuputol ang access ng mga OFWs sa independent sources of truth at pinapalitan ng curated feeds mula sa partisan pages at troll farms. Sa communication theory, ito ang tinatawag na agenda-setting at gatekeeping kung saan kontrolado kung anong impormasyon ang makikita at ano ang hindi, kaya’t unti-unting nababaluktot ang worldview ng target audience. Kapag tinanggal ang mainstream press at fact-checking outlets sa information diet ng isang tao, lalo itong nagiging captive audience ng propaganda.
Hindi ito simpleng pangangalap ng suporta. Isa itong eksaktong exploitation ng informational vulnerability ng OFWs. Sa social science, tinatawag itong “information asymmetry” kung saan hindi pantay ang access sa credible information kaya mas madaling mapasok ng manipulasyon. Ang perang pinapadala nila bilang remittance para buhayin ang pamilya ay ginagamit para pondohan ang mga biyahe at staging ng pekeng global support. Pagkatapos, binabalik pa sa kanila sa anyo ng disinformation na unti-unting kumakain sa kanilang kritikal na pag-iisip.
At kung titingnan sa mas malawak na lente ng diaspora politics, malinaw na ginagamit ang OFWs hindi lang bilang economic lifeline ng bansa kundi bilang political capital ng mga pulitiko. Ang mga larawan ng cheering crowds abroad ay ibinebenta pabalik sa Pilipinas bilang ebidensiya ng “worldwide support” kahit staged at pinondohan mula rin sa pawis ng mga migranteng ito. Ang ganitong manipulative cycle ay hindi lang nakakasama sa political discourse kundi isa itong sistematikong panlilinlang na ginagawang tropeyo ang sakripisyo ng mga manggagawa abroad.