RHPU Negros Island Region

RHPU Negros Island Region Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from RHPU Negros Island Region, Police station, Camp Alfredo Montelibano Sr, Bacolod CIty.

02/05/2025
02/05/2025
01/05/2025
01/05/2025

PNP STATEMENT ON LABOR DAY CELEBRATION

Ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Manggagawa—isang mahalagang pagkakataon upang kilalanin at parangalan ang lakas, talino, at dedikasyon ng bawat manggagawang Pilipino.

Sa kabila ng iba’t ibang hamon, nananatiling matatag ang ating mga manggagawa. Sila ang pundasyon ng ating lipunan—mga g**o, manggagamot, kasambahay, manggagawang pabrika, magsasaka, mangingisda, Overseas Filipino Workers, at mga kawani ng pamahalaan. Ang bawat pawis at sakripisyo nila ay nagbubukas ng pag-asa para sa isang mas maunlad na bansa.

Kaisa ang PNP sa pagkilalang ito. Kami rin ay mga lingkod-bayan—mga manggagawang handang magsakripisyo para sa kapayapaan at kaayusan. Kaya naman ngayong araw, habang ang iba ay nagdiriwang at nagpapahayag ng kanilang mga panawagan, ang inyong kapulisan ay narito upang tiyakin na ang lahat ng aktibidad ay mapayapa at maayos.

Pinapahalagahan ng PNP ang karapatan ng bawat isa sa malayang pamamahayag at mapayapang pagtitipon. At sa parehong diwa, nananawagan kami ng disiplina, paggalang sa batas, at pakikiisa tungo sa isang makabuluhang selebrasyon ng Araw ng mga Manggagawa.

Muli, isang mataas na pagpupugay sa manggagawang Pilipino—ang tunay na bayani ng ating bansa.

Mabuhay ang manggagawang Pilipino!


01/05/2025

Address

Camp Alfredo Montelibano Sr
Bacolod CIty
6100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RHPU Negros Island Region posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category