Hon. Diony D. Hernandez

Hon. Diony D. Hernandez Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Hon. Diony D. Hernandez, Public & Government Service, Baco, Oriental Mindoro, Baco.

28/06/2026

| Isang madamdaming tagpo ang nasaksihan kahapon sa ginanap na pagtatapos nang ihatid ni Juliebeth Hernandez ang kanyang Address of Gratitude sa harap ng mga kapwa nagsipagtapos, mga g**o, at mga magulang bilang overall top student at Cum Laude ng kaniyang batch, Hunyo 26, 2026.

Bukod sa kaniyang natatanging kakayahang akademiko, kinilala rin ang determinasyon ni Hernandez na nagawa at napagtagumpayang pagsabayin ang kaniyang mga tungkulin bilang kawani ng Lokal na Pamahalaan, habang ginagampanan ang papel bilang isang ina at mag-aaral.

Ang kaniyang tagumpay ay kinikilala ngayon bilang isang inspirasyon sa bayan, na nagpapatunay na ang dedikasyon at pagsisikap ay susi sa pag-abot ng mga pangarap sa kabila ng mga personal at propesyonal na responsibilidad.

Binigyang-diin niya na ang kaniyang mga anak ang nagsilbing pangunahing inspirasyon, pag-asa, at lakas upang mapagtagumpayan ang lahat ng pagsubok sa buhay.


Mahal kong mga kababayan,Taos-puso po akong nagpapasalamat sa inyong lahat sa walang sawang suporta, tiwala, at pagmamah...
12/05/2025

Mahal kong mga kababayan,

Taos-puso po akong nagpapasalamat sa inyong lahat sa walang sawang suporta, tiwala, at pagmamahal na ibinigay ninyo sa akin sa nakaraang halalan.

Bagamat hindi po tayo pinalad na makamit ang tagumpay bilang Konsehal, sobra-sobra na po ang aking pasasalamat sa bawat isang tumaya, naniwala, at lumaban kasama ko. Ang inyong mga salita ng pag-asa, pagbati, at pagpapalakas ng loob ay nagsilbing inspirasyon sa akin sa buong laban.

Sa ating pagkakaisa, nakita natin na hindi lang tagumpay sa posisyon ang sukatan ng tunay na paglilingkod.

Patuloy pa ring maglilingkod sa bayan para sa mamamayan.

Maraming salamat po. Hanggang sa muli.

Sa lahat po ng nanalo, Congratulations!πŸ’™

10/05/2025

Lagi’t laging maglilingkod sa bayan para sa mamamayan! πŸ’™

11 na! Abot pa ito. Kung may β€˜11:11 wish’ ka, ito na β€˜yonβ€”iboto mo si Diony Hernandez para Konsehal. Number 11 sa balota...
10/05/2025

11 na! Abot pa ito.

Kung may β€˜11:11 wish’ ka, ito na β€˜yonβ€”iboto mo si Diony Hernandez para Konsehal. Number 11 sa balota! πŸ˜‰πŸ’™

10/05/2025

π—©π—’π—§π—˜ | ⚫️ 𝟭𝟭 π—›π—˜π—₯π—‘π—”π—‘π——π—˜π—­, π——π—Άπ—Όπ—»π˜† (Municipal Councilor)
Naglilingkod sa Bayan para sa Mamamayan

π—–π—’π— π— π—œπ—§π—§π—˜π—˜ π—œπ—‘π—©π—’π—Ÿπ—©π—˜π— π—˜π—‘π—§
CHAIRMAN
● Committee on Public Peace and Order and Public Safety
● Committee on Market Affairs and Slaughter House
● Committee on Agriculture Fisheries and Natural Resources

VICE CHAIRMAN
● Committee on Public Works
● Committee on Human Rights

π—’π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π— π— π—œπ—§π—§π—˜π—˜ π—œπ—‘π—©π—’π—Ÿπ—©π—˜π— π—˜π—‘π—§
● Committee on Rules Privileges and Legal Matters
● Committee on Dangerous Drugs
● Committee on Cooperatives and People’s Participation
● Committee on Zoning and Land Use
● Committee on Games and Amusement
● Committee on Disaster Preparedness and Management and Relief Services
● Committee on Indigenous People

π—¦π—”π—‘π—šπ—šπ—¨π—‘π—œπ—”π—‘π—š 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π— π—˜π— π—•π—˜π—₯
July 2001 to June 2010 (3 Terms)

π— π—¨π—‘π—œπ—–π—œπ—£π—”π—Ÿ π—©π—œπ—–π—˜ 𝗠𝗔𝗬𝗒π—₯
July 2010 to June 2013

π—¦π—”π—‘π—šπ—šπ—¨π—‘π—œπ—”π—‘π—š 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π— π—˜π— π—•π—˜π—₯
(July 2013 to June 2016)

π—¦π—”π—‘π—šπ—šπ—¨π—‘π—œπ—”π—‘π—š 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π— π—˜π— π—•π—˜π—₯
July 2022 up to Present (2 Terms)

𝗣π—₯π—’π—šπ—₯𝗔𝗠𝗔 𝗔𝗧 𝗣π—₯π—’π—¬π—˜π—žπ—§π—’
● Training and Financial Support for Farmers and Fisher folks.
● Agricultural assistance and modernization
● Strengthening Barangay Security and Peace and Order programs.
● Supporting Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs).
● Strengthening Food Security and Local Production.
● Supporting Fire, Police and other Emergency Response Teams for Public Safety
● Supporting Tree-planting and reforestation Programs.
● Financial and Medical Assistance Programs

-
Pagkaisahan nating ipanalo ang mas maunlad na Bayan ng Baco sa tulong ng mga natatanging lingkod-bayan!


08/05/2025

Batang β€˜90s ka kung naranasan mong mag-memorize ng bilin ni nanay sa pagbili sa tindahanπŸ˜…

Ngayong halalan, isa lang ang bilin: Diony Hernandez, #11 sa balota para Konsehal!

Good vibes lang po tayo! πŸ’™πŸ’™ πŸ’™

Salamat po, Iglesia Ni Cristo, sa pagbubukas ng inyong puso at pagtindig kasama namin sa layuning maglingkod para sa kap...
02/05/2025

Salamat po, Iglesia Ni Cristo, sa pagbubukas ng inyong puso at pagtindig kasama namin sa layuning maglingkod para sa kapakanan ng bawat BacoeΓ±os. Sa pamumuno ni Kapatid na Eduardo V. Manalo, kayo ay patuloy na ilaw at gabay sa pagtataguyod ng kapayapaan, malasakit, at kaunlaran.

Mula sa aming puso, Maraming, maraming salamat po!

Address

Baco, Oriental Mindoro
Baco

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hon. Diony D. Hernandez posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share