Efren "Kap. Jun" Amutan Torreliza Jr.

Efren "Kap. Jun" Amutan Torreliza Jr. 12 years of public service as Barangay Chairman of Mangangan 1, Baco

Magandang umaga po sa lahat ng Bacoeños,Ako po ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng naniwala, sumuporta, nakiisa, a...
14/05/2025

Magandang umaga po sa lahat ng Bacoeños,

Ako po ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng naniwala, sumuporta, nakiisa, at nagpaabot ng mensahe ng pagtitiwala mula nang matapos ang halalan. Lubos pong nagagalak ang aking puso dahil kahit hindi tayo pinalad na manalo bilang Konsehal, nangingibabaw pa rin ang diwa ng pagkakaisa at malasakit ng Samahang Barangay sa buong Baco.

Sa aking mga kabarangay sa Mangangan 1, sa aking mga kamag-anak, kaibigan, kakilala, sa aking pamilya at higit sa lahat sa team I Love Baco sa pamumuno ng aming Mayor Reynaldo A. Marco — salamat po sa inyong matatag na suporta. Hindi po naging madali ang aking pagtakbo, ngunit hindi ninyo ako iniwan hanggang sa dulo. Kayo po ang naging sandigan ko sa bawat hakbang ng ating paglalakbay.

Sa 6,643 na Bacoeños na nagtiwala sa akin, ramdam ko po ang inyong buong pusong suporta. Hinding-hindi ko po sasayangin ang tiwalang iyon. Bagamat hindi ko maipagpapatuloy ang aking layunin mula sa loob ng konseho, patuloy ko pa rin pong ipaaabot ang aking adbokasiya at maglilingkod sa abot ng aking makakaya — sa sarili kong munting paraan.

Sa mga bagong halal na opisyal ng ating bayan, nawa’y gabayan kayo ng Panginoon sa bawat desisyon at hakbang para sa ikauunlad ng Baco at ikagiginhawa ng mga Bacoeños.

Muli, ako po si Kap Jun Torreliza — babangon muli, magpapatuloy sa paglilingkod, at mananatiling kasama ninyo.

Maraming salamat po. Hanggang sa muli.


12/05/2025

Maraming Salamat pa rin po sa lahat ng nagtiwala at sumuporta sa inyong lingkod. ❤️

God bless po.

Sa aking mga minamahal na kababayan sa Baco,Ako po ay muling kumakatok sa inyong puso upang humingi ng suporta at tiwala...
09/05/2025

Sa aking mga minamahal na kababayan sa Baco,

Ako po ay muling kumakatok sa inyong puso upang humingi ng suporta at tiwala sa darating na halalan sa Lunes, Mayo 12. Nawa'y inyong isaalang-alang ang aking layunin at kakayahan bilang isang kandidato sa pagka-Konsehal ng ating mahal na bayan.

Bagamat bago po ako sa mundo ng Sangguniang Bayan, dala ko po ang higit isang dekada ng karanasan sa pamumuno at tapat na paglilingkod sa aking nasasakupan sa Mangangan 1, kung saan ako po ay nagsilbing Punong Barangay sa loob ng labindalawang (12) taon.

Sa panahong iyon, ako po ay hinubog ng mga pagsubok, karanasan, at tagumpay na nagsilbing pundasyon ng aking hangaring palawakin pa ang aking serbisyo — hindi lamang sa aking barangay, kundi para sa buong Baco.

Kaisa po ninyo, hangad ko ang isang mas maunlad, ligtas, at masaganang pamayanan.

#21 Kap Jun Torreliza
Lubos na nagpapasalamat,
At nawa’y pagpalain tayong lahat ng Poong Maykapal.

Sa nalalapit na halalan, nagtipon-tipon muli ang mga mamamayan ng Mangangan 1 upang magpakita ng suporta sa inyong lingk...
30/04/2025

Sa nalalapit na halalan, nagtipon-tipon muli ang mga mamamayan ng Mangangan 1 upang magpakita ng suporta sa inyong lingkod sa pamamagitan ng motorcade.

Lubos po akong nagagalak at nagpapasalamat sa aking mga ka-barangay sa mainit na suporta sa aking paglalakbay tungo sa konseho.

Muli, #21 Kap Jun Torreliza bilang Konsehal ng Baco

Ingat po kayo at maraming salamat.
Pagpalain nawa po tayo ng Poong Maykapal.

Umikot po sa ilang barangay ng Baco ang nagkaisang mamamayan ng Mangangan 1 upang magpakita ng suporta sa inyong lingkod...
06/04/2025

Umikot po sa ilang barangay ng Baco ang nagkaisang mamamayan ng Mangangan 1 upang magpakita ng suporta sa inyong lingkod sa pamamagitan ng isang motorcade.

Sampu ng aking pamilya, mga kapitbahay, sanggunian at mga minamahal na kabarangay, kami po ay nagpapasalamat sa nakiisa, nakihalubilo at nagpakita ng suporta sa aming pag-ikot.

Maraming maraming salamat po sa inyong lahat. Sama-sama po tayo sa paglalakbay na ito.

Kap Jun Torreliza, number 21
Bilang Konsehal ng Baco

Isang matagumpay na dental mission ang naisagawa natin nitong nakaraang mga linggo para sa mga Bacoeñong nagnais magpabu...
28/03/2025

Isang matagumpay na dental mission ang naisagawa natin nitong nakaraang mga linggo para sa mga Bacoeñong nagnais magpabunot ng ngipin. Sa tulong ng ating mabait at mapagkawanggawang dentista na si Dr. Jhommel P. Torreliza at ng kanyang mga kasamahan, napagtagumpayan nating makatulong sa humigit-kumulang 200 katao.

Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa, sa mga tumulong, lalo na sa mga BHW mula sa Mangangan 1, at sa lahat na nagpalaganap ng impormasyon.

Pagpalain nawa po tayo ng Poong Maykapal!

Announcement po para sa huling araw ng ating dental mission. Ito po ang mga detalye:Maraming salamat po.
24/03/2025

Announcement po para sa huling araw ng ating dental mission. Ito po ang mga detalye:

Maraming salamat po.

Announcement:Tuloy po muli ang ating libreng pagpapabunot ng ngipin sa Dr. Torreliza’s Dental Clinic! Narito ang mga det...
23/03/2025

Announcement:

Tuloy po muli ang ating libreng pagpapabunot ng ngipin sa Dr. Torreliza’s Dental Clinic! Narito ang mga detalye:

10/03/2025

Simula na po ang ating 'libreng pagpapabunot ng ngipin'.
Ang nakaschedule po ngayong araw, March 10, ay ang mga sumusunod na pangalan.

1.Josephine Prado
2. Rolando Prado
3. Jaycel Prado
4. Ria Acuña
5. Jaycel Prado
6. Joshua Prado
7. Jonathan Cantos
8. Joan De Chavez
9. Rowena Dimayacyac
10. Jude Ann Perjes
11. Alexander Perjes
12. John Mark Magboo
13. Grace Enriquez
14. Myra Soriano
15. Maria Nene Jomales
16. Daniel Reparip

Mangyari lang pong pumunta na sa bagong tayong clinic, Dr. Torreliza Dental Clinic. Landmark: Baco National High School, km12, Poblacion, Baco.

From 1:00pm onwards.

Maraming salamat po. God bless.

Address

Mangangan 1
Baco
5201

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Efren "Kap. Jun" Amutan Torreliza Jr. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category