SK Bagutot, Bacnotan, La Union

SK Bagutot, Bacnotan, La Union This is the official page of SK Bagutot, Bacnotan, La Union.

๐Ÿฅฆ๐Ÿ… SK NUTRIDAY 2026 | Celebrate Nutrition Month! ๐Ÿ’šAttention to ALL Daycare Learners of Barangay Bagutot!The Sangguniang ...
08/07/2026

๐Ÿฅฆ๐Ÿ… SK NUTRIDAY 2026 | Celebrate Nutrition Month! ๐Ÿ’š

Attention to ALL Daycare Learners of Barangay Bagutot!

The Sangguniang Kabataan of Barangay Bagutot, in partnership with the Barangay Council, warmly invites all daycare students enrolled in our barangay to join SK NutriDay 2026!

This fun and educational activity aims to promote the importance of proper nutrition, healthy eating habits, and overall wellness among our young learners through engaging and interactive activities.

Date: July 17, 2026 (Friday)
Time: 1:00 PM
Venue: Brgy. Bagutot Multi-Purpose Covered Court

Let's learn and celebrate Nutrition Month together! ๐Ÿ’š



International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) 2026 Noong ika-28 ng Hunyo 2026, ganap na alas-2:...
08/07/2026

International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) 2026

Noong ika-28 ng Hunyo 2026, ganap na alas-2:00 ng hapon, matagumpay na nakiisa ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Bagutot, kasama ang buong komunidad, sa paggunita ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) 2026.

Ang gawaing ito ay naglalayong palakasin ang kamalayan ng bawat mamamayan, lalo na ng kabataan, tungkol sa kahalagahan ng pagpapanatili ng isang ligtas, malusog, at drug-free na pamayanan. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, ipinapakita natin ang ating suporta sa kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot at iligal na kalakalan nito.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nagbigay ng kanilang oras at suporta upang maging matagumpay ang programang ito. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagtataguyod ng isang komunidad na may malasakit, disiplina, at pananagutan.



Sama-sama Tayo para sa Ligtas at Drug-Free na Pamayanan! Inaanyayahan ang lahat ng kabataan at mamamayan ng Barangay Bag...
26/06/2026

Sama-sama Tayo para sa Ligtas at Drug-Free na Pamayanan!

Inaanyayahan ang lahat ng kabataan at mamamayan ng Barangay Bagutot na makiisa sa pagdiriwang ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) 2026.

๐Ÿ“… Hunyo 28, 2026 (Linggo)
๐Ÿ•‘ 2:00 PM
๐Ÿ“ Brgy. Bagutot Multi-Purpose Covered Court

Layunin ng gawaing ito na palakasin ang kamalayan ng ating komunidad tungkol sa masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot, hikayatin ang pagkakaisa sa pagpigil sa paglaganap nito, at isulong ang isang ligtas, mapayapa, at mas maunlad na kinabukasan para sa bawat Bagutotian.



MATAGUMPAY NA NAGANAP ANG UNANG KATIPUNAN NG KABATAAN (KK) ASSEMBLY 2026 AT ANG IKATLONG TAON NG BEEda Kabataan! Suporta...
12/06/2026

MATAGUMPAY NA NAGANAP ANG UNANG KATIPUNAN NG KABATAAN (KK) ASSEMBLY 2026 AT ANG IKATLONG TAON NG BEEda Kabataan! Suporta Para sa Kinabukasan!

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng kabataang dumalo at nakiisa sa ating Unang Katipunan ng Kabataan Assembly ngayong taon. Sa pagtitipong ito, naibahagi at natalakay ang mga naisakatuparang programa, proyekto, at mga kaukulang pondo ng Sangguniang Kabataan para sa taong 2025, gayundin ang mga nakalaang badyet para sa taong 2026 at ang mga paparating pang proyekto at inisyatiba para sa kapakanan ng kabataang Bagutot.

Bilang bahagi rin ng ating adhikain na suportahan ang edukasyon, matagumpay nating naisagawa ang programang โ€œBEEda Kabataan! Suporta Para sa Kinabukasanโ€, kung saan nakapagbigay tayo ng school supplies sa kabuuang 85 benepisyaryo mula Pre-School hanggang College. Nawa'y makatulong ang munting handog na ito sa kanilang paghahanda para sa panibagong taong panuruan.

Ang araw na ito ay patunay na kapag nagkakaisa ang kabataan at pamahalaang barangay, mas marami tayong magagawang makabuluhang programa para sa ating komunidad.

Maraming salamat sa inyong suporta, pakikilahok, at pagtitiwala. Patuloy nating isulong ang isang aktibo, responsable, at maunlad na Kabataang Bagutot!



๐Ÿ“ข PAANYAYA SA KATIPUNAN NG KABATAAN ASSEMBLY 2026 AT BEEda Kabataan! Suporta Para sa Kinabukasan Inaanyayahan ang lahat ...
09/06/2026

๐Ÿ“ข PAANYAYA SA KATIPUNAN NG KABATAAN ASSEMBLY 2026 AT BEEda Kabataan! Suporta Para sa Kinabukasan

Inaanyayahan ang lahat ng mga kabataang residente ng Barangay Bagutot na makiisa sa ating Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly 2026 sa darating na Hunyo 12, 2026, ganap na ika-9:00 ng umaga sa Barangay Bagutot Multi-Purpose Covered Court.

Kasabay nito ang ating programang โ€œBEEda Kabataan! Suporta Para sa Kinabukasanโ€, kung saan magkakaroon ng pamamahagi ng school supplies para sa mga mag-aaral mula pre-school hanggang kolehiyo bilang suporta sa kanilang pag-aaral at paghahanda sa nalalapit na pasukan.

Ang KK Assembly ay isang mahalagang pagkakataon upang maipabatid ang mga programa, proyekto, at mga plano ng Sangguniang Kabataan para sa kapakanan ng ating kabataan. Dito rin natin mapapalakas ang partisipasyon at pagkakaisa ng bawat isa tungo sa mas maunlad at mas aktibong komunidad.

๐Ÿ“… June 12, 2026
โฐ 9:00 AM
๐Ÿ“ Brgy. Bagutot Multi-Purpose Covered Court

Sama-sama nating itaguyod ang edukasyon at pag-unlad ng kabataang Bagutot!



๐Ÿ“š๐ŸŽ’ ๐๐„๐„๐๐š ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง! ๐’๐ฎ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐ข๐ง๐š๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ง ๐ŸŽ’๐Ÿ“šBilang paghahanda sa nalalapit na pasukan, muling inilulunsad ng ๐’๐Š ๐๐š๐ ...
24/05/2026

๐Ÿ“š๐ŸŽ’ ๐๐„๐„๐๐š ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง! ๐’๐ฎ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐ข๐ง๐š๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ง ๐ŸŽ’๐Ÿ“š

Bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan, muling inilulunsad ng ๐’๐Š ๐๐š๐ ๐ฎ๐ญ๐จ๐ญ ang programang โ€œBEEda Kabataan! Suporta para sa Kinabukasanโ€ na naglalayong makapagbigay ng school supplies sa mga mag-aaral mula Pre-School hanggang College.

Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga estudyanteng residente ng Barangay Bagutot na sagutan ang registration form sa ibabang link upang mapabilang sa programang ito. Ang inyong pagsagot ay makatutulong upang maayos naming matukoy ang mga benepisyaryo ng programa.

๐Ÿ–‡๏ธ Registration Form:
https://docs.google.com/forms/d/14Mq9USPHsDPWCTcSmOE2mLKf-ulHFj3Sw1ECrIlrWm0/edit

Maraming salamat at patuloy nating suportahan ang edukasyon ng kabataang Bagutot!



Magandang araw! Ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Bagutot ay kasalukuyang nagsasagawa ng survey para sa mga mag-aaral mula Pre-School hanggang College bilang bahagi ng programang โ€œBEEda Kabataan! Suporta Para sa Kabataan.โ€ Layunin ng survey na ito na malaman ang bilang ng mga mag-aaral sa bar...

Hindi lamang sa Menโ€™s Basketball Tournament patuloy na nakikilala ang Barangay Bagutot, kundi maging sa Womenโ€™s Basketba...
17/05/2026

Hindi lamang sa Menโ€™s Basketball Tournament patuloy na nakikilala ang Barangay Bagutot, kundi maging sa Womenโ€™s Basketball ay ipinapakita rin ang husay at pusong palaban ng ating mga kababaihang atleta.

Sa kauna-unahang 3x3 Womenโ€™s Basketball Tournament ng Bacnotan, buong tapang na ipinakita ng Bagutot Womenโ€™s 3x3 Basketball Team ang kanilang determinasyon at pagkakaisa laban sa pitong (7) matitinding koponan mula sa ibaโ€™t ibang barangay. At sa pagtatapos ng torneo, buong pagmamalaking ibinabahagi na ang koponan ay nagtapos bilang 1st Runner Up!

Hindi man namin naiuwi ang kampeonato, para sa amin ay isa na itong napakalaking tagumpay dahil napatunayan ninyo na kayang makipagsabayan at lumaban ng patas sa loob ng court.

Higit sa lahat, ipinagmamalaki rin namin ang apat na kababaihang bumuo sa ating koponan, dalawa rito ay ang dalawang magigiting na Sangguniang Kabataan Kagawads:
- Hon. Lilian Rose Calip
- Hon. Jana Mariel Bares
- Crizaleah Cariaso
- Frecia Loie Orpiano

Patunay lamang ito na ang mga kabataang lider ng Bagutot ay hindi lamang aktibo sa paglilingkod sa komunidad kundi maging sa larangan ng sports ay kayang magbigay ng inspirasyon at karangalan sa barangay.

Maraming salamat sa lahat ng sumuporta, naniwala, at nagbigay ng lakas sa team mula umpisa hanggang huli. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa apat na manlalaro kundi para sa buong komunidad ng Bagutot na patuloy na sumusuporta sa sports development at women empowerment.

Congratulations, Bagutot Womenโ€™s 3x3 Basketball Team!


Hindi kailangan maging maingay para marinigโ€”minsan sapat na ang tahimik pero may matibay na paninindigan.Sa pagtatapos n...
04/05/2026

Hindi kailangan maging maingay para marinigโ€”minsan sapat na ang tahimik pero may matibay na paninindigan.

Sa pagtatapos ng aming laban sa Mayorโ€™s Sports Cup Basketball Tournament 2026, ipinagmamalaki naming tinapos ang aming karera bilang Top 2 sa Bracket B โ€“ Division 1 na may 9-2 record. Hindi man ito ang pinakahuling destinasyon na aming inaasam, malinaw sa amin kung paano namin ito naratingโ€”walang tinapakang tao, walang sinirang iba, kundi lumaban nang patas, may puso, at may iisang hangarin.

Hindi man namin napagtagumpayan ang hamon sa quarter finals, ipinakita pa rin ng aming koponan ang tunay na diwa ng laban. Sa aming ikalawang laro kontra Quirino, ang natitirang 7 players ay buong tapang na lumaban nang patas hanggang sa huling buzzer, sa pagtatapos ng laro na may iskor na 91-80. Maaaring hindi pumanig sa amin ang resulta, ngunit hinding-hindi nito mababawi ang ipinakitang puso, determinasyon, at pagkakaisa ng bawat isa.

Heads up langโ€”hindi lahat ng laban ay nasusukat sa scoreboard. May mga laban na nasusukat sa respeto, prinsipyo, at kung paano mo pinanghahawakan ang sarili mo kahit hindi pabor ang sitwasyon. At doon, alam naming panalo kami.

Nawaโ€™y magsilbi itong paalala na hindi lahat ng bagay ay aayon sa ating kagustuhan. Darating ang mga pagkakataon na susubukin ang ating katatagan, pagkakaisa, at paninindigan. Ngunit sa huli, ang mga inaalipusta at minamaliit ay siyang mas lalong pinatitibay at itinataas ng panahon.

Sa lahat ng sumuporta, naniwala, at patuloy na tumindig kasama naminโ€”maraming salamat. Hindi dito nagtatapos ang kwento ng Bagutot Basketball Team. Isa lamang ito sa mga kabanatang huhubog sa mas matatag at mas handang pagbabalik.

Ipinagmamalaki ng Barangay Bagutot ang pagiging Top 2 sa Bracket B ng Mayorโ€™s Sports Cup 2026! Mula umpisa hanggang sa h...
28/04/2026

Ipinagmamalaki ng Barangay Bagutot ang pagiging Top 2 sa Bracket B ng Mayorโ€™s Sports Cup 2026!

Mula umpisa hanggang sa huling laro ng eliminations, ipinakita ng ating koponan ang tibay ng loob, disiplina, at tunay na puso sa paglalaro. Bawat laban ay bunga ng pagsusumikap, sakripisyo, at pagkakaisa ng buong team. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa mga manlalaro, kundi para sa buong komunidad na patuloy na sumusuporta.

Ngayon ay papasok na tayo sa Quarter Finals, kung saan mas matindi ang laban at mas mataas ang hamon. Ngunit napatunayan na ng Bagutot na kaya nating makipagsabayan at lumaban hanggang dulo.

Sa aming mga kabarangay, patuloy po sana ang inyong suportaโ€”ang inyong sigaw, presensya, at paniniwala na nagsisilbing lakas ng ating koponan. Sama-sama nating harapin ang susunod na yugto ng laban.

Laban Bagutot!


Bagutot Basketball Team finishes the elimination round strong. With a convincing 94โ€“80 victory over Tammocalao, the team...
16/04/2026

Bagutot Basketball Team finishes the elimination round strong.

With a convincing 94โ€“80 victory over Tammocalao, the team officially closes the eliminations with an impressive 9โ€“2 standing in the Mayorโ€™s Sports Cup Basketball Tournament 2026.

This achievement is more than just numbersโ€”it reflects the dedication, sacrifice, and unity of every player who showed up despite different schedules, long days, and tough trainings. Through it all, the team found a way to come together, build chemistry, and most importantly, enjoy the game they love.

Whatever happens next, this is already a proud milestone for Barangay Bagutot. The entire community stands behind this team with gratitude and pride for representing us with heart, discipline, and resilience.

Tuloy ang labanโ€”para sa Bagutot!

Address

Bagutot
Bacnotan
2515

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SK Bagutot, Bacnotan, La Union posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share