11/09/2026
π Breastfeeding and First 1000 Days Summit 2026 π
Matagumpay na isinagawa ang summit na naglalayong palakasin ang kamalayan at suporta para sa kalusugan ng mga ina at sanggol sa unang 1000 araw ng kanilang buhay, September 5. Dinaluhan ito ni Vice Mayor Francis Fontanilla na nagbigay ng kanyang taos-pusong mensahe ng suporta, binigyang-diin ang kahalagahan ng mga programang pangkalusugan na patuloy na isinusulong ng LGU para sa mas malusog na komunidad.
Sa mga panayam, ibinahagi ng mga nanay at officers ng Breastfriends ang kanilang pasasalamat sa mga serbisyong hatid ng lokal na pamahalaan. Mula sa libreng programang pang-nutrisyon, hanggang sa pagsuporta sa breastfeeding - ramdam nila ang malasakit at pagtutok ng LGU sa kapakanan ng bawat pamilya. Ang kanilang mga kwento ay patunay na ang mga programang ito ay tunay na nakakaapekto sa buhay ng mga mamamayan. ππΆπ€±
Ang summit ay hindi lamang pagtitipon, kundi isang makabuluhang hakbang tungo sa mas malusog na kinabukasan para sa mga bata at mas empowered na mga ina. Sa tulong ng LGU at mga katuwang na organisasyon, patuloy nating isinusulong ang adbokasiya para sa kalusugan at nutrisyon sa unang yugto ng buhay.