07/04/2026
๐ ๐๐๐ง๐ฎ๐๐ซ๐ฒ ๐๐๐๐ โ ๐๐๐๐๐ฆ๐๐๐ซ ๐๐๐๐ | ๐๐ค๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฌ๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ ๐ง๐ ๐๐ ๐๐จ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ฅ ๐ง๐ ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐ ๐๐จ๐๐ฅ๐๐๐ข๐จ๐ง, ๐๐๐๐๐๐๐ฒ ๐โจ
Sa ikalawang taon ng aming panunungkulan, mas naging malinaw ang aming layunin na maglingkod nang tapat, may malasakit, at may tunay na pakikiisa sa kabataan at buong komunidad. Ang taong ito ay hindi lamang tungkol sa pagpapatuloy ng mga nasimulan, kundi tungkol din sa pagpapalakas ng aming mga programa at pag-abot sa mas marami pang mamamayan. Sa bawat hamon na aming kinaharap, nanatili kaming matatag dahil sa suporta at pagtitiwala na patuloy ninyong ibinibigay.
Taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng aming paglalakbayโsa Womenโs Organization, sa mga pamilya sa ating barangay, sa mga sponsors at supporters mula sa loob at labas ng komunidad, sa ating Barangay Council, at higit sa lahat, sa ating mga kabataan na siyang patuloy naming inspirasyon sa bawat hakbang. Ang inyong pakikiisa ang nagsilbing lakas namin upang maisakatuparan ang aming mga layunin at adhikain.
Habang papalapit ang pagtatapos ng aming termino, patuloy naming pagbubutihin ang aming paglilingkod at sisikaping makapaghatid ng mas dekalidad at makabuluhang programa para sa lahat. Mananatili kaming katuwang ninyo sa pagbuo ng isang mas maunlad, mas inklusibo, at mas maliwanag na kinabukasan para sa Barangay 6.
๐๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ญ๐๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐ค๐๐ข๐ฌ๐ ๐๐ญ ๐ฌ๐๐๐๐ฒ-๐ฌ๐๐๐๐ฒ ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฌ ๐ฆ๐๐ฅ๐ข๐ฐ๐๐ง๐๐ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ! ๐๐ฑ