07/03/2026
Inaanyayahan po ang lahat ng mamamayan ng Barangay Bonga, Bacacay, Albay na makiisa at dumalo sa ating Barangay Assembly Day na gaganapin sa March 14, 2026 (Saturday), 1:00 PM sa Bonga Covered Court.
Ito ay isang mahalagang pagkakataon upang malaman ng ating mga kabarangay ang estado ng ating barangay, kabilang ang mga ulat, programa, proyekto, at mga plano para sa patuloy na pag-unlad ng ating komunidad. Ito rin ay pagkakataon para magtanong, magbigay ng opinyon, at maglahad ng mga suhestiyon ukol sa mga usaping pang-barangay.
Ang inyong presensya ay mahalaga upang mas lalo nating mapalakas ang bayanihan, transparency, at partisipasyon ng bawat Bongayano sa pagpapaunlad ng ating barangay.
π March 14, 2026
β° 1:00 PM
π Bonga Covered Court
Kita-kits po tayo mga kabarangay! Sama-sama nating pag-usapan ang kasalukuyan at kinabukasan ng Barangay Bonga.