06/09/2025
Sa patuloy nating pagtatrabaho bilang lingkod bayan ay binisita at sinuri ng inyong lingkod kasama sina Ma’am Merlina Macararanga, Executive Assistant at Engr. Ivan Manalo ng Municipal Engineering Office kahapon - Seyembre 05, 2025, ang mga completed at ongoing infrastructure projects ng lokal na pamahalaang bayan ng Atimonan sa mga sumusunod na barangay: Brgy. San Rafael, Brgy. Lumutan, Brgy. Matanag, Brgy. Inalig, Brgy. Malusak, Brgy. Buhangin, at Talaba Warehouse.
Kasabay nito, nagkaroon din ang inyong lingkod ng pagkakataon na makadaupang-palad at makausap ang mga mamamayan ng bawat barangay na aming pinuntahan.
Ang mga ganitong aktibidad ay patunay ng ating patuloy na pagtutok at malasakit sa kapakanan ng bawat Atimonanin. Sa pamamagitan ng regular na pagbisita at pakikipag-ugnayan sa mga barangay, mas nauunawaan natin ang tunay na kalagayan ng ating komunidad at mas napapalakas ang ugnayan ng lokal na pamahalaan at ng mga mamamayan, susi para maramdaman ng bawat Atimonanin ang Galing Tapat at Malasakit sa Epektibong Serbisyo sa pag-Unlad ng bayan ng Atimonan.
!