Municipal Treasurer's Office, Atimonan, Quezon

Municipal Treasurer's Office, Atimonan, Quezon Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Municipal Treasurer's Office, Atimonan, Quezon, Public & Government Service, Local Government Unit, Atimonan.

14/09/2026

ππ€ππ€π“πˆπƒ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ
Ipinagbibigay-alam ng Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Atimonan sa lahat ng ating mamamayan na magkakaroon ng KATATAGAN-QUEZON: Inter-Agency Territorial Defense Simulation Exercise sa pangunguna ng 85th Infantry Battalion.

Ang nasabing pagsasanay ay gaganapin sa Setyembre 15, 2026, mula 8:00 ng umaga na inaasahang tatagal hanggang 12:00 ng tanghali. Sakop nito ang mga lugar mula Brgy. Caridad Ilaya patungong Quezon St., Juez Andres St., OsmeΓ±a St., G. Orda St., hanggang DoΓ±a Marta.

Sa panahon ng pagsasanay, maaaring makarinig ng mga putok ng baril, pagsabog, at tunog ng mga sirena o wangwang sa ating bayan. Huwag po tayong mabahala o mag-panik sapagkat ang mga ito ay bahagi lamang ng isang real-life scenario simulation. Layunin nitong mas paigtingin ang ating kahandaan, koordinasyon, at seguridad sa anumang hindi inaasahang banta o sitwasyon sa ating bayan.

Pinapakiusapan din ang lahat na maging maingat at magbigay-daan sa mga dadaanang sasakyan gaya ng mga ambulansya, sasakyang pang-militar at iba pang emergency response vehicles sa mga lugar na sakop ng pagsasanay.

Hinihiling po ang pag-unawa, kooperasyon, at patuloy na pag-iingat ng lahat.

Maraming salamat po.




Para sa pagsusulong ng pagkakaisa, pagpapalakas ng ugnayan, at higit pang pagpapaunlad ng investment opportunities sa bu...
28/08/2026

Para sa pagsusulong ng pagkakaisa, pagpapalakas ng ugnayan, at higit pang pagpapaunlad ng investment opportunities sa buong lalawigan, matagumpay na isinagawa ang Local Investment and Incentives Code Writeshop Batch 2 ngayong Agosto 26 sa Cultural Arts Center, Quezon Capitol Compound, Lucena City.

Layunin ng programa na higit na mapalakas ang koordinasyon ng Pamahalaang Panlalawigan at mga lokal na pamahalaan upang makalikha ng mas investment-friendly environment, makahikayat ng mga bagong oportunidad sa negosyo, at makapagbukas ng mas maraming trabaho at kabuhayan para sa mga Quezonian.

Pinangunahan ng Provincial Economic Development and Investment Promotions Unit (PEDIPU) sa pamumuno ni Mr. Emmanuel S. Querubin, EnP, ang nasabing writeshop na naglalayong palawakin ang kaalaman at kakayahan ng mga Local Economic Development and Investment Promotions Office (LEDIPO) sa pagbuo at pagpapatibay ng mga polisiya at mekanismo para sa mas maayos na pamumuhunan sa kani-kanilang mga lokalidad. Kabilang sa mga dumalo ang mga kinatawan mula sa Atimonan, Polillo, Tayabas, Tiaong, gayundin ang Department of Trade and Industry (DTI).

Naging tagapagsalita naman sina Ms. Ana Shiela Dalida, Local Government Operations Officer VI ng DILG Quezon; Atty. Kristine Joy P. Narsoles Andres mula sa Quezon Provincial Legal Office; Ms. Michelle Pasamba; at PEDIPU Officer Mr. Emmanuel S. Querubin upang talakayin ang iba’t ibang mahahalagang usapin, kabilang ang legal frameworks, drafting of declaration policies, strategic investment priority plans and areas, at local investment and promotion authorities (IPAs).

Samantala, magpapatuloy ang ikalawang araw ng workshop bukas, Agosto 27, kung saan makakasama si Provincial Treasurer Rosario Marilou M. Uy upang magbigay-kaalaman sa mga LEDIPOs hinggil sa Fiscal Incentives for Investments.

Sa pamamagitan ng talakayan at palitan ng mga ideya at karanasan, nabigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malinaw, inklusibo, at angkop na investment policies na tutugon sa pangangailangan ng mga mamumuhunan at komunidad.


Nakapanayam ng inyong lingkod, Mayor Atty. Elvis S. Uy, kasama si Municipal Treasurer Susanne C. Garin, ang mga kawani n...
28/08/2026

Nakapanayam ng inyong lingkod, Mayor Atty. Elvis S. Uy, kasama si Municipal Treasurer Susanne C. Garin, ang mga kawani ng Provincial Treasury Office sa pangunguna ni Provincial Treasurer Rosario Marilou M. Uy. Ito ay kaugnay ng isinasagawang evaluation sa ating Municipal Treasury Office mula Agosto 25 hanggang 28, 2026.

Layunin ng pagsusuring ito na tiyaking nasusunod ng ating pamahalaang lokal ang mga alituntunin sa Local Treasury Operations Manual (LTOM). Ang ganitong mga hakbang ay mahalaga upang mapanatili ang tapat, maayos, at transparent na pamamahala sa pondo ng ating bayan para sa mas magandang serbisyo sa bawat Atimonanin.




19/06/2026

πŸ“’ MAHALAGANG PAALALA

Ipinababatid sa lahat ng mga may-ari ng ari-ariang di-natitinag o real property na hanggang Hulyo 5, 2026 na lamang maaaring mapakinabangan ang amnestiya para sa mga interes at multa ng mga delingkwenteng buwis sa real property na nagmula sa ikalawang kwarter ng taong 2024 at mga nakaraang taon.

Inaanyayahan ang lahat na magtungo na sa Tanggapan ng Pambayang Ingat-yaman kung saan matatagpuan ang inyong ari-arian o sa Tanggapan ng Panlalawigang Ingat-Yaman bago mag ika lima ng Hulyo taong 2026.

Maraming salamat sa patuloy na suporta at pakikiisa ng mamamayan ng Lalawigan ng Quezon.

β€œSa bawat pisong buwis mo, katumbas ay serbisyo.”


18/06/2026

PAALALA SA LAHAT NG NAGBABAYAD NG AMILYAR!

Hanggang HULYO 5, 2026 na lamang ang bisa ng REAL PROPERTY TAX AMNESTY o Amnestiya sa Amilyar.

Samantalahin ang pagkakataong mabayaran ang mga hindi pa nababayarang buwis sa lupa, bahay, gusali, at makinarya nang WALANG penalties, surcharges, at interest alinsunod sa Republic Act 12001 o RPVARA.

Magtungo lamang sa Municipal Treasurer’s Office, Unang Palapag ng Bagong Munisipyo, Brgy. Zone III Poblacion, Atimonan, Quezon.

0930-566-8959
[email protected]

Huwag nang maghintay sa huling araw. Bayaran na ang inyong amilyar bago ang HULYO 5, 2026!



30/05/2026

Address

Local Government Unit
Atimonan
4331

Opening Hours

Monday 8am - 5am
Tuesday 8am - 5:30am
Wednesday 8am - 5am
Thursday 8am - 5am
Friday 8am - 5am

Telephone

+639305668959

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Treasurer's Office, Atimonan, Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Municipal Treasurer's Office, Atimonan, Quezon:

Shortcuts

Share