10/05/2022
WALANG HANGGANG PASASALAMAT, PAGKILALA AT PAGMAMAHAL!
Ako po, si RET. GENERAL ELMER ESCOSIA, kasama ang aking buong pamilya, ay lubos na nagpapasalamat sa 12,153 mamamayan na nagtiwala at nagbigay ng mahalagang boto sa akin. Hindi man po tayo pinalad na magwagi ay panalo parin po ako sa puso ng mga masang Atimonanin na nakasama ko at nakadaupang palad, at nadama ko ang inyong mga suliranin at mga adhikain. MARAMING SALAMAT PO.
Pagkilala po sa lahat ng naging bahagi ng makabuluhang kampanya ng TEAM ESCOSIA-ESCRITOR, partikular ang aking pamilya, mga kamag-anak, kaibigan, mga dating kasamahan, mga volunteers na nagsakripisyo at naglaan ng kanilang oras para lamang kami ay samahan. SALUDO PO AKO SA INYO!
Bilang isang pangkaraniwang mamamayan, ang aking oras ay ilalaan ko na lamang sa aking pamilya at maging isang pribadong indibidwal. Marahil hindi po talaga ako para sa mundo ng pulitika. Ganoon pa man, hindi ko po kayo malilimutan. Naging bahagi po kayo ng aking pagnanais na maglingkod. MAHAL KO PO KAYO!
Dalangin ko po ang makabuluhang paglilingkod ng mga nahalal na kandidato. Nawa ay isulong nila ang kapakanan ng mas nakararami at mahihirap na mamamayan.
PATNUBAYAN PO TAYO NG DAKILANG LUMIKHA!