19/08/2026
PAANYAYA
Ang Sangguniang Barangay ng Calepaan, Asingan, Pangasinan ay magalang na nagpapaabot ng paanyaya sa lahat ng business establishments/micro-establishments sa ating barangay na lumahok sa gaganaping Technical Advisory Visit (TAV) Orientation at First Aid (FA) Training na isasagawa ng Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office No. 1.
π
Petsa: Agosto 20, 2026 (Huwebes)
β° Oras: 8:00 AM onwards
π Lugar: Mayor Carlos F. Lopez, Sr. Public Auditorium, Poblacion West, Asingan, Pangasinan
Layunin ng aktibidad na mabigyan ang mga business establishments ng sapat na kaalaman hinggil sa pagsunod sa labor standards, occupational safety and health standards, social welfare benefits, at iba pang mahahalagang usapin sa ligtas at maayos na lugar ng trabaho. Kasama rin sa programa ang First Aid Training upang mapaunlad ang kakayahan ng mga kalahok sa pagbibigay ng nararapat na paunang lunas sa oras ng pangangailangan.
Ayon sa DOLE, isang (1) duly authorized representative bawat establishment/branch ang maaaring dumalo sa nasabing aktibidad.
Hinihikayat po ang lahat ng business establishments na samantalahin ang pagkakataong ito upang madagdagan ang kaalaman at mapalakas ang pagsunod sa mga pamantayan para sa ligtas, malusog, at compliant na workplace.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at patuloy na pakikipagtulungan.
**see list of business establishments in calepaan who are invited to attend.
*ito po ay isang requirement sa pagkuha ng clearance o certification sa DOLE pag nagpa register kayo ng inyong negosyo."Micro-enterprises are required to comply with applicable DOLE Occupational Safety and Health Standards."