19/08/2025
August 11-15, 2025
Patuloy ang Office of the Municipal Agriculturist โ Arayat sa paghahatid ng siksik, liglig, umaapaw na mga programa at serbisyo para sa kalusugan, kaunlaran, at kapakanan ng ating mga magsasaka at komunidad. Narito ang kabuuan ng mga naging aktibidad ngayong linggo:
๐พ Post-Exposure Prophylaxis (ARV) para sa mga a*o at pusa โ Isinagawa sa Barangay Mangga Cacutud bilang tugon sa kumpirmadong ka*o ng rabies upang maprotektahan ang komunidad.
๐พ Pamamahagi ng Vegetable Seedlings na suportado ng ating Butihing Mayor, Hon. Jeffrey M. Luriz at Sanguniang Bayan โ Naipamahagi sa 30 barangay ng Arayat para magamit sa mga programa ng barangay gaya ng backyard gardening at iba pang proyektong pangkabuhayan.
๐พ Pagkolekta ng PRISM Data โ Field monitoring sa ilalim ng PhilRice PRISM para sa mas tumpak at siyentipikong datos sa pananim.
๐พ Ika-apat na Linggo ng Farmers Field School โ Climate Resilient Farm Business School (FFS-CRFBS) @ Barangay Telapayong โ Tinalakay ang Palay Keycheck 2: Land Preparation.
๐พ Dumalo bilang Resource Speaker ang ating High Value Crop Coordinator, G. Raniel Andrei S. Elnar, sa Training on Value Adding of Lowland Vegetables and Marketing ng City Agriculture and Veterinary Office, CSFP.
๐พ RSBSA Registration ng mga Upland Farmers โ Isinagawa sa Barangay Baliti para maisama ang mga magsasaka sa mga programang pang-agrikultura ng pamahalaan.
๐พ Pagbuo ng Rural Improvement Club (RIC) โ Pormal na naitatag ang โUnited Women of Gatiawin RICโ sa Barangay Gatiawin, na ginabayan nina Hon. Elma Loria, Hon. Kap. Roy Magcalas, OPA Pampanga Staff, pinangunahan ni Ms. Editha V. Vega at Grace Basco at ng ating OMA team kasama sina Engr. John Roy Flores, Mr. Raniel Andrei Elnar na pinangunahan ni Engr. Rodel A. Lising.
๐พ Animal Outreach Program โ Katuwang ang PAITA, PCC, CLSU, at National Dairy Association, isinagawa sa Barangay Matamo para sa pagpapalakas ng livestock development.
๐พ Tulong sa DSWD Payout โ Nakatulong sa pamamahagi ng ayuda para sa 769 Farm Workers ng Arayat bilang suporta sa kanilang kabuhayan.
๐ Sa kabila ng mga hamon, patuloy ang dedikasyon ng Office of the Municipal Agriculturist upang mapangalagaan ang ating mga magsasaka, mapatatag ang food security, at maitaguyod ang mas masaganang agrikultura sa Bayan ng Arayat.