05/09/2024
๐ฃ๐๐๐๐๐ก๐๐ช ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก ๐๐ง ๐ฃ๐๐ก๐๐ก๐๐ฅ๐
Ang Lokal na Pamahalaan ng Arayat, sa pangunguna ni ๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐๐ซ๐ข๐ ๐๐จ๐ฎ๐ซ๐๐๐ฌ ๐. ๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐ง๐๐ซ๐ข๐ง๐จ, ay nagbibigay ng opisyal na pahayag bilang tugon sa mga walang batayang alegasyon at paninirang ipinapakalat online.
Kami ay nananawagan sa lahat na maging mapanuri sa mga impormasyong nakikita sa social media, lalo na kung ito ay nagmumula sa mga hindi kilalang indibidwal o dummy accounts. Huwag magpadala sa mga sabi-sabi, at kung may katanungan o alalahanin, maaari kayong dumulog sa aming tanggapan o makipag-ugnayan sa aming mga opisyal na contact numbers.
Tuloy ang aming masusing paghahatid ng serbisyo para sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at suporta.