27/05/2026
APARRI, YOUR NEXPEDITION!!!
Mainit na tinanggap ng Pamahalaang Bayan ng Aparri ang mga kinatawan mula sa Department of Tourism (DOT) Region 02, mga tourism stakeholders ng Cagayan, at iba’t ibang tour operators sa isinagawang tourism familiarization tour na may temang “Aparri, Your Nexpedition.”
Pinangunahan ni Tourism Operations Officer Romeo G. Caranguian ng Department of Tourism Region 02 at Christine Joyce R. Soriano ang Project Officer of NEXpedition Tourism Circuit kasama ang Cagayan Tourism Office ang nasabing aktibidad kasama ang mga tourism partners at tour operators mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.
Layunin ng aktibidad na maipakita at maipakilala ang mga pangunahing atraksyon ng Aparri bilang isa sa mga umuusbong na destinasyon ng turismo sa Hilagang Luzon. Tampok sa itinakdang ruta ang:
•Aparri Welcome Arch
•Cagayan Ecclesiastical Museum sa loob ng Lyceum of Aparri
•River Cruise mula Toran Wharf patungong Aparri-Camalaniugan Bridge hanggang sa
•Port of Aparri, na sinabayan ng makulay na pagtatanghal ng
•Aramang Festival Dancers mula sa Aparri School or Arts and Trades (ASAT)
•St. Thelmo Parish Church (Archdiocesan Shrine of our Lady of the Rosary), at ang tanyag na
•Ammaleran Beach sa Barangay Dodan, na nagpapakita ng mayamang kultura, kasaysayan, at likas na kagandahan ng bayan ng Aparri. At nagkaroon din ng isang pagtitipon sa Hotel Dian para sa isang di malilimutang gabi ng saya at awitan.
Dumalo sa aktibidad sina SB Member Dian Jaycerette Dayag (Committee Chairperson on Tourism) at bilang kinatawan ni Mayor Dominador “Ambo” Dayag, Tourism Officer Marilou Cabauatan, at mga TWG ng Aparri Tourism Council bilang suporta sa patuloy na pagsusulong ng turismo sa bayan.
Sa pamamagitan ng ganitong mga programa at pakikipagtulungan sa iba’t ibang tourism stakeholders, patuloy na pinapalakas ng Aparri ang industriya ng turismo habang itinatampok ang lokal na kultura, kasaysayan, at likas-yamang maipagmamalaki ng bayan.