14/08/2026
๐ฉธ BE A DONOR, SAVE A LIFE!
Isang simpleng pag-aalay ng dugo ay maaaring maging dahilan upang mabigyan ng panibagong pag-asa at pagkakataon ang isang buhay. Sa bawat patak ng dugong ibinahagi, may buhay na maaaring mailigtas.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng ating magigiting na blood donors na naglaan ng oras at nagbahagi ng dugo para sa ating mga kababayan na nangangailangan. Tunay na kahanga-hanga ang inyong malasakit at pagiging handang tumulong.
Maraming salamat sa LGU Aparri headed by our Municipal Mayor, Hon.Dominador Dayag, sa ating SB on Health, Hon.Dr.Ismael Tumaru III, sa patuloy na suporta at pakikiisa sa mga programang naglalayong mapanatili ang kalusugan at kaligtasan ng ating komunidad.
Malaking pasasalamat sa ating partner, CVMC Northern Vampires, sa kanilang mahalagang suporta at serbisyo upang maging matagumpay ang ating Blood Letting Activity.
Hindi kailangang maging superhero para makapagligtas ng buhay. Maging isang blood donor, dahil ang iyong dugo ay maaaring maging pag-asa ng iba.
๐ฉธ BE A DONOR. GIVE BLOOD. SAVE A LIFE!
Isang patak, isang pag-asa, isang buhay na maililigtas