Sangguniang Kabataan - Barangay Apad

Sangguniang Kabataan - Barangay Apad This is the official page of Sangguniang Kabataan of Barangay Apad οΏ½

DECEMBER 29, 2024 | 2nd KK ASSEMBLY and DISTRIBUTION OF EDUCATIONAL ASSISTANCE FOR GRADE 12 AND COLLEGE STUDENTSSa pangu...
30/12/2024

DECEMBER 29, 2024 | 2nd KK ASSEMBLY and DISTRIBUTION OF EDUCATIONAL ASSISTANCE FOR GRADE 12 AND COLLEGE STUDENTS

Sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan ng Apad ay isinagawa ang ikalawang KK Assembly para sa taong 2024. Naganap din sa araw na ito ang pamamahagi ng educational assistance para sa ating mga mag-aaral mula sa Grade 12 at Kolehiyo na bahagi ng SKwela Program ng ating Sangguniang Kabataan.

Kami po ay nagpapasalamat sa mga kabataang naglaan ng oras nila para sa gawaing ito. Sana ay mas maging aktibo pa kayo sa pakikibahagi sa lahat ng programa at activities na ipapatupad ng ating barangay.

HEADS UP, KABATAANG APADINIANS! WHAT: DISTRIBUTION OF FINANCIAL ASSISTANCEWHO: GRADE 12 AND COLLEGE STUDENTSQUALIFICATIO...
14/12/2024

HEADS UP, KABATAANG APADINIANS!

WHAT: DISTRIBUTION OF FINANCIAL ASSISTANCE
WHO: GRADE 12 AND COLLEGE STUDENTS

QUALIFICATIONS:
1. Residente ng Brgy. Apad Quezon, Quezon.
2. Dapat ay naka-enroll ngayong taong 2024 – 2025.
3. Priority ang mga kabataan na nasa KK Profile Database na ginawa noong KK Profiling noong nakaraang Marso.

REQUIREMENTS:
For Grade 12 Students:
1. Letter Of Intent
2. Certificate of Enrolment
3. Photocopy of Latest School ID
4. Application Form (provided by SK Officials)

For College Students:
1. Letter Of Intent
2. Photocopy of Registration Form (AY 2024-2025)
3. Photocopy of Latest School ID
4. Application Form (provided by SK Officials)

Application Period: December 21 - 26, 2024

For more inquiries, please message:
Facebook: Sangguniang Kabataan - Barangay Apad
Email: [email protected]

LINGGO NG KABATAAN 2024THEME: "From clicks to progress: Youth Digital Pathways for Sustainable Development". Are you rea...
21/08/2024

LINGGO NG KABATAAN 2024
THEME: "From clicks to progress: Youth Digital Pathways for Sustainable Development".

Are you ready QUEZON, QUEZON for the LINGGO NG KABATAAN 2024 CELEBRATION!!! Come and join us because we have bunch of activities this coming AUGUST 25-26 2024. Prepared by our SANGGUNIANG KABATAAN FEDERATION OF QUEZON, QUEZON lead by our SANGGUNIANG KABATAAN PRESIDENT XYLEEMENE JOY P. OLEA

These are the line up of our activities!!!

AMAZING RACE
CHESS TOURNAMENT
QUIZ BEE TOURNAMENT
SUDOKU TOURNAMENT
BADMINTON
FOOTBALL TOURNAMENT
SINGING COMPETITION ( SOLO & DUET)
DANCE COMPETITION (GROUP CATEGORY)

For more information kindly message our page or your designated SK CHAIRPERSON in your BARANGAY.

Isinagawa ang Re-organization of Pag-asa Youth Association of the Philippines Inc. Barangay Level noong ika-17 ng Hulyo ...
18/07/2024

Isinagawa ang Re-organization of Pag-asa Youth Association of the Philippines Inc. Barangay Level noong ika-17 ng Hulyo 2024 na dinaluhan ng walong (8) KK members mula sa ating Barangay. Kasama natin dito ay ang mga kabataan mula sa Brgy. Magsino at Brgy. Cometa.

Nawa ay patuloy kayong makiisa sa mga ganitong gawaing pang-kabataan para sa ikauunlad at mas aktibong kabataan sa ating barangay.

Muli, kami ay nagpapasalamat sa inyong pakikilahok at sa Sangguniang Barangay ng Apad sa pag-suporta sa gawaing ito. Maraming salamat po!

π˜Όπ™’π™žπ™£ π™–π™£π™œ π™₯𝙖𝙣𝙖𝙑𝙀!Wagi sa unang laban ang team Apadinians kontra sa Barangay 2 sa score na 64-57.  Congratulations team Ap...
14/05/2024

π˜Όπ™’π™žπ™£ π™–π™£π™œ π™₯𝙖𝙣𝙖𝙑𝙀!

Wagi sa unang laban ang team Apadinians kontra sa Barangay 2 sa score na 64-57.

Congratulations team Apadinians!

QUEZON YOUTH SUMMER LEAGUE 2024 APADINIANS
12/05/2024

QUEZON YOUTH SUMMER LEAGUE 2024

APADINIANS

Isinagawa ang unang KK Assembly ng Brgy. Apad Quezon,Quezon sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan-Apad ngayong araw, ika...
21/04/2024

Isinagawa ang unang KK Assembly ng Brgy. Apad Quezon,Quezon sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan-Apad ngayong araw, ika-21 ng Abril 2024. Naging pangunahing usapin ang mga plano at budget ng Sangguniang Kabataan, kasama ang kanilang mga mungkahi patungkol dito. Naganap din ang malakayang talakayan tungkol sa gaganaping Quezon Youth Summer League sa ating bayan.

Muli po kami ay nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa sa gawaing ito, sa Sangguniang Barangay ng Apad, at sa ating mga kabataan na naglaan ng oras para rito. Maraming salamat po!

Magandang araw Kabataang Apadinians!Ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Apad ay magsasagawa ng Katipunan ng Kabataan (K...
24/01/2024

Magandang araw Kabataang Apadinians!

Ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Apad ay magsasagawa ng Katipunan ng Kabataan (KK) Profiling sa ating barangay. Ito ay magaganap sa ika – 25 hanggang 26 ng Enero, 2024. Inaasahan po naming ang inyong kooperasyon sa nasabing gawain. Maraming salamat po!

--------------------------------------------------------------------------
ANO NGA BA ANG KK PROFILING?
Ang KK Profiling ay pagtatala ng mga impormasyon tungkol sa mga miyembro ng Katipunan ng Kabataan. Ito ay mahalaga upang magkaroon ng maasahan at wastong datos na magagamit sa pagbabalangkas, pagpaplano, at paggawa ng mga programa, proyekto, at aktibidad para sa mga kabataan ng isang barangay.

--------------------------------------------------------------------------

SINO ANG KATIPUNAN NG KABATAAN?
Ito ay binubuo ng mga mamamayan na may edad 15 hanggang 30 taong gulang na botante o nakatira sa isang barangay sa loob ng anim na buwan.

--------------------------------------------------------------------------
Ang bawat impormasyon na makakalap ay protektado at asahang iaayon sa Republic Act 10173 - Data Act Privacy of 2012. Umasa po kayong ang inyong mga lingkod ay pupunta sa inyong mga tahanan upang personal na magbigay ng questionnaires. Para naman sa iba na wala rito sa ating barangay ay maaari po kayong mag fill-up sa pamamagitan ng link na nasa ibaba.

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLScn6z-m1pKeElLASqIDNeLRZlUfXoU4Xl1NJFzVwcJWuyghvw/viewform?usp=sf_link

Maraming salamat po!

JANUARY 6, 2024| NATIONWIDE COMMUNITY CLEAN-UP DAYNAKIISA ang Sangguniang Kabataan at Sangguniang Barangay ng Apad sa is...
06/01/2024

JANUARY 6, 2024| NATIONWIDE COMMUNITY CLEAN-UP DAY

NAKIISA ang Sangguniang Kabataan at Sangguniang Barangay ng Apad sa isinagawang Nationwide Community Clean-Up Day ngayong araw. Nawa ang mga ganitong gawain ay patuloy na suportahan ng bawat isa sa ating barangay at manatili ang pagkakaisa para sa kagandahan ng ating lugar.

Maraming salamat po sa inyong lahat. πŸ’—

DECEMBER 23,2023| KABATAANG APADINIANS CHRISTMAS PARTYMula po sa bumubuo ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Apad ay tao...
24/12/2023

DECEMBER 23,2023| KABATAANG APADINIANS CHRISTMAS PARTY

Mula po sa bumubuo ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Apad ay taos-puso po kaming nagpapasalamat sa mga taong naging bahagi upang maging matagumpay ang aming Christmas Party ngayong taong ito.

Sa Sangguniang Barangay ng Apad, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pag-suporta sa gawaing ito, sa mga kabataan ng Barangay Apad, lalo't higit po sa lahat ay ang mga taong nagpaabot ng tulong-pinansiyal at mga regalo na ipinagkaloob namin sa aming mga kabataan.

Mayor JUAN ESCOLANO
Vice Mayor PEDRITO ALIBARBAR
Konsehal ALBERTO BINOCAZ JR.
Konsehal MARIBEL LAMADRID
Konsehal BRIENE FLORES
Konsehal PEDRITO ALIBARBAR JR.
Konsehal ZALDY BAYAN
Atty. MIKE TAN & Governor HELEN TAN sa pamamagitan po ng STAN QUEZON, QUEZON
PPSK President XYLEEMENE JOY OLEA

MERRY CHRISTMAS EVERYONE! πŸ’—πŸ₯°

Ang Sangguniang Kabataan po ng Barangay Apad ay lubos na nagpapasalamat sa mga kabataang nakiisa sa paglilinis ng ating ...
21/12/2023

Ang Sangguniang Kabataan po ng Barangay Apad ay lubos na nagpapasalamat sa mga kabataang nakiisa sa paglilinis ng ating basketball court. Ang inyo pong pakikibahagi sa gawaing ito ay malaking tulong para sa pagpapaganda at kaayusan ng ating barangay. Nawa po ang mga ganitong gawain ay magpatuloy sa bawat isa sa atin at sa mga susunod pang henerasyon ng kabataan sa ating munting pamayanan.

Nagdaos ng unang pagpupulong ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Apad, ika-20 ng Disyembre taong 2023. Ilan sa mga tina...
20/12/2023

Nagdaos ng unang pagpupulong ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Apad, ika-20 ng Disyembre taong 2023. Ilan sa mga tinalakay sa pulong na ito ay tungkol sa Internal Rules and Procedures, Appointment of Committees at ang gaganapin na Christmas Party.

Asahan niyo po ang mas aktibong mga aktibidad para sa ikagaganda at ikauunlad ng kabataan sa ating barangay.

Address

Apad Quezon
4332

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan - Barangay Apad posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share