14/09/2026
TULONG-TULONG, MULA BARANGAY HANGGANG CITY GOVERNMENT. 🤝❤️
Isang hakbang patungo sa bagong buhay para kay Alias Mark, na kasalukuyang humaharap sa problema ng addiction.
Lumapit ang kanyang mga magulang sa Barangay San Luis, kung saan sila ay maayos na ginabayan at natulungan ng ating BADAC Focal Person. Sa pamamagitan ng tamang assessment at referral, nakarating sila sa ACADAO upang ma-avail ang libreng intervention at rehabilitation assistance ng Antipolo City Government, kabilang ang referral sa TRC Bicutan.
Hindi madali ang laban sa addiction, pero mas nagiging magaan ito kapag may pamilya, barangay, pamahalaan at komunidad na handang umalalay. 🙏
Sa ilalim ng pamumuno ni Jun-Andeng Ynares, patuloy nating pinapalakas ang mga programang nagbibigay ng pagkakataon sa bawat indibidwal na makabangon, makapagpagaling, at makapagsimulang muli.
Hindi pa huli ang lahat. May pag-asa. May tulong. May bagong simula. 💙
Para sa pagbabago, hindi stigma ang kailangan—kundi pag-unawa, gabay at malasakit.