16/05/2026
Successful ang kauna-unahang Pilot: Project ARAL Program (May 13,14 & 15) na ginanap sa Sitio Pinagminahan, Brgy. San Luis.
Maraming nakisaya, nag-enjoy, at natuto na mga bata. Sila ay umuwing may ngiti sa kanilang mga labi. Lubos kaming nagpapasalamat sa ating butihing Mayor Jun-Andeng Ynares sa taos-pusong pagsuporta, lalo na para sa mga kabataan.
Maraming salamat din po sa ating Punong Barangay, Sir Cris Cate, sa pagtulong at pagpapahiram ng mga upuan at lamesa upang makapag-aral at makapag-enjoy nang komportable ang mga bata.
Thank you rin sa ating mga OJT at Immersion students sa pag-aasikaso sa mga bata.
Maraming salamat din sa ALON - Youth Organization sa kanilang pagtulong, at kay Pastor Jess sa paghahatid ng saya sa mga bata.
Muli, ang Antipolo City Library ay lubos na nagpapasalamat sa inyong lahat.