26/03/2026
MGA KUWENTO NI JUANA EP. 4
“Huwarang G**o: Taon ng Tapat na Serbisyo sa Paaralan”
Patuloy na pinatutunayan ni Dr. Jollibee F. Torres “Mam Jabie” na ang dedikasyon sa pagtuturo ay hindi nasusukat sa haba ng panahon, kundi sa lalim ng impluwensiya sa mga mag-aaral. Bilang bunso sa walong magkakapatid, hinubog siya ng karanasan at pagsusumikap upang maging matatag sa landas na kanyang tinahak.
Labinlimang taon nang nagsisilbi si Dr. Torres bilang g**o sa Dalig National High School, at sa kasalukuyan ay nagtuturo ng Grade 12 Creative Writing at Creative Nonfiction. Sa loob ng silid-aralan, hindi lamang siya tagapagturo ng gramatika at estruktura ng pagsulat, kundi tagapagmulat ng kaisipan at tagapagbigay-boses sa damdamin ng kabataan.
Kung sino ang naging inspirasyon niya para maging isang g**o, walang partikular na tao ngunit masasabi niya na naging inspirasyon ang kanyang pangarap na magkaroon ng trabaho na kung saan maisabuhay ang kaniyang mga hilig at interes gaya ng pagsusulat, pagbabasa, pagsasalita at pakikisalamuha sa kapwa.
“With those in mind after high school, I decided to take BSE English because my favorite subject is English.”
Para kay Dr. Torres, mahirap maging isang babae, minsan ay iniisip niya na sana naging lalaki nalang siya dahil sa mga pagsubok na nararanasan bilang babae sa madaming aspeto, bilang isang babae.
“I have my weaknesses and challenges about many things such as physical aspects, intellectual capacities, decision-making, pressures, responsibilities and roles. But my passion and genuine service for the profession. I am serving the school both as a teacher and a leader without reservations, balancing major roles and giving my best in everything for the sake of my learners, colleagues and the entire school community.
Ani niya, ang papel ng kababaihan sa edukasyon at komunidad ay maging boses upang maibahagi ang pagmamahal at pagmamalasakit sa mga tao sa paligid at nasasakupan.
“God's gift to women is about emotional strength because of the nurturing and caring spirit of women, they can lead,manage, live with purpose while doing things with love and support.”
Ang mensahe niya sa mga kabataang babae ngayon, Be strong, independent and hard working. The world now is too demanding, ever-changing and becoming cruel. Take care of your physical and mental health because these two are equally important to perform our roles in family, community, church, work, school and society.
At ngayong National Women`s Month ang Motto ni Mam Jabie…
“Women's voice is powerful, don't let the world silence it.”
Sa bawat leksiyon at gabay na kanyang ibinibigay, unti-unti niyang hinuhubog ang susunod na henerasyon ng mga manunulat—mga kabataang handang magsalaysay ng katotohanan at magbigay-kulay sa realidad ng buhay.
Sa mundong patuloy ang pagbabago, ang mga g**ong tulad ni Dr. Jollibee F. Torres ang nagsisilbing ilaw at inspirasyon—tahimik ngunit makapangyarihan sa paghubog ng kinabukasan.