25/11/2025
MULTIPLE VEHICULAR ACCIDENT
Sumulong Highway, Brgy. Dela Paz
November 25, 2025
Report Time: 0624H | Dispatch: 0625H
Kaninang umaga, tumugon ang Antipolo City Rescue sa isang multiple vehicular accident sa kahabaan ng Sumulong Highway, tapat ng Victory Oil, Brgy. Dela Paz.
Iba’t ibang sasakyan ang sangkot at nagdulot ng pinsala sa ilang private at government properties.
Agad na rumesponde ang mga team mula sa Antipolo City Rescue, BFP, Barangay Rescue Units, at mga katuwang na volunteer groups para sa mabilis na pag-responde at pag-secure ng lugar.
Maraming salamat sa lahat ng responders na nagpaabot ng tulong at nagtrabaho para masigurong ligtas at maayos ang daloy ng operasyon.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng sanhi ng aksidente. Nagpaalala ang Antipolo City Rescue sa lahat ng motorista na mag-ingat, lalo na sa mga matatarik at madudulas na bahagi ng Sumulong Highway.