12/08/2026
𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: 𝐌𝐨𝐛𝐢𝐥𝐞 𝐁𝐢𝐫𝐭𝐡 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 & 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐈𝐃 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐇𝐚𝐥𝐥 𝐀𝐧𝐧𝐞𝐱💚
Naganap kaninang umaga sa Barangay Hall Annex ang Mobile Birth Registration at National ID registration para sa'ting mga ka-barangay na hindi pa nakakapag pa rehistro ng kanilang birth certificate. Ating nakasama sina Kap. JR Lopez Bolanos, Kag. Gemma Ocharan, Kag. Gen Llemit, Kag. Meann San Agustin, at Sec. Glo Dalogdog!🫶🏻
Taos-pusong pasasalamat ng Barangay San Juan sa City Government of Antipolo, sa pangunguna ni Mayor Jun-Andeng Ynares, para sa paghatid ng Mobile Birth Registration at National ID Registration services sa ating barangay.📝
Maraming salamat po sa inyong patuloy na serbisyo at malasakit sa mga mamamayang Antipoleño!
Patuloy nating sinusuportahan ang mga serbisyong direktang nakararating at nakatutulong sa ating mga kabarangay!
!