27/03/2025
Isa sa mga ipinangako noong panahon ng kampanya, naisakatuparan na po natin ang Barangay Animal Pound Unit, 🐕🖐🏼 Maraming salamat po, Mayor Jun Ynares, sa patuloy na paggabay upang matutukan ang isang mahalagang hakbang upang masiguro ang kaligtasan, kaayusan, at kalinisan, ng ating komunidad at lalo na sa mga fur babies pati na rin ang mga residente 🙏
Magsilbi po sana tayong responsableng 'Paw Parents'! 🐾 Huwag po natin ipagdamot ang tamang pangangalaga at shelter para sa ating mga alaga. 🙏🏻 Nawa'y magpatuloy tayo sa pagpapakita ng malasakit sa kanilang kaligtasan at kapakanan, at sama-sama nating gawing mas maginhawa ang kanilang buhay sa ating komunidad.