04/06/2026
Dahil sa dumadaming mga insidente ng nakakamatay na rabies mula sa mga ibat ibang uri ng kagat at kalmot ng ating mga alagang hayop. Minabuti ng Sanggunian na humanap ng solusyon para mabigyan ng lunas ang mga nakakagat o nakakalmot nito. Kayaβt tinatag ng Barangay Dela Paz ang Animal Bite Clinic. Sa pakikipagtulungan sa RNR Animal Bite Center hatid sa mga residente ng Barangay Dela Paz ang libreng bakuna laban sa kagat ng a*o, pusa at iba pang fur babies na may rabies.
Bukas ang ating Animal Bite Clinic na matatagpuan sa Barangay Hall Main (Lukay) mula Lunes hanggang Sabado, sa hudyat ng alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.
Panawagan ni Kapitan Jeff Naval Fernan, magparehistro sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa full package ng libreng pagsusuri, gamutan hanggang sa pagtuturok ng bakuna kontra rabies.
Isa ring paalala na alagaan ng tama ang ating mga alagang fur babies at siguraduhin din na bakunado sila ng anti-rabies para sa kanilang kaligtasan at kaligtasan ng komunidad.