07/08/2026
Ang kabataang Bayugo Hillsite ay nakikiramay sa Pamilya at Barangay San Isidro sa pagkawala ng isa sa mabuting lingkod bayan ng Barangay San Isidro.
Maraming salamat sa serbisyo at pagmamahal sa Barangay San Isidro, Kag. Mario
Paalam, Kag. Mario🕊️
Paalam po, Kagawad Mario.
Hindi ka namin malilimutan, lalo na ng mga nakasama mo sa Pamahalaang Barangay ng San Isidro sa loob ng maraming taon.
Isa ka sa mga naging haligi ng ating barangay at naglaan ng panahon, dedikasyon, at tapat na paglilingkod para sa kapakanan ng bawat Isidreño.
Ang iyong kabutihan, malasakit, at mga naiambag sa ating komunidad ay mananatiling bahagi ng kasaysayan ng ating barangay at sa alaala ng mga taong iyong napaglingkuran.
Maraming salamat sa iyong tapat na serbisyo.
Paalam at maraming maraming salamat po Kagawad Mario.
Nawa'y ipagkaloob sa iyo ng Poong Maykapal ang walang hanggang kapayapaan. Ang iyong alaala ay mananatili sa aming mga puso magpakailanman.