11/06/2026
Magandang Daraitan Hane!
Matagumpay na nakiisa ang Barangay Daraitan sa selebrasyon ng ika-125 Araw ng Lalawigan ng Rizal, na may temang "125 Years of Unity and Prosperity", sa pamamagitan ng malawakang Clean-Up Drive Activity.
Ang nasabing gawain ay sinuportahan ng mga samahang sektoral na patuloy na kaisa ng Barangay sa compliance sa ibinababang memo ng nakatataas na ahensya ng Pamahalaang Bayan ng Tanay at ng Panlalawigan.
Maraming Salamat po, samahan ng Magkukubo-Sabangan, Sally, Samahan ng Daraitan River tubing guide, Samahan ng Daraitan Habal-habal, Campsite Owners and Caretakers, Samahan ng Daraitan Tourguiding Association at ng Sangguniang Barangay ng Daraitan sa pangunguna ng ating Punong Barangay Kap Adrian Pranada, kasama ang mga tanod, BHW at mga staff.
Patuloy po tayong sumuporta sa mga gawaing makabuluhan para sa ating Barangay at sa kalikasan.