27/10/2022
Bagyo Bulletin
Ayon sa PAGASA weather bulletin No. 8 na ipinalabas ngayong araw, Oct. 28, 2022, itinaas na ang Signal No. 1 sa Lalawigan ng Rizal dahil sa Bagyong Paeng na kasalukuyan pang nasa silangang ng Borongan, Samar.
Ito ay may taglay na lakas ng hangin na 75 km/h malapit sa gitna at patuloy na kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15km/h.
Ito ay WALA PANG direktang epekto sa ating lalawigan ngunit inaasahan mararamdaman sa mga SUSUNOD NA 36 ORAS kaya ang mga miyembro ng Antipolo City DRRM Council at mga barangay DRRM Committees ay pinapayuhang mag-handa para sa paparating na bagyo at patuloy magmonitor ng mga updates.
Kaugnay nito, AUTOMATIC na suspendido na ang mga klase sa face-to-face at online sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan AYON sa DEP ED Order No. 37 Series of 2022. HINDI PO LGU ang nag suspend... kundi DEP ED ayon sa kanilang polisiya.
Ingat po tayong lahat.🙏
https://www.facebook.com/302746419835274/posts/5365553916887807/