05/06/2026
Ang Muntindilaw National High School ay buong pusong nagbubukas ng panibagong yugto ng paghahanda para sa pagbabalik Eskwela. Ang Paaralan ay bumuo ng komite na tutugon sa inyong mga pangangailan sa pagbubukas ng klase ito ay ang Oplan Balik Eskwela (OBE) Committee para sa School Year 2026–2027. Sa patnubay ng Kagawaran ng Edukasyon, layunin ng programang ito na matiyak ang isang maayos, ligtas, at handang kapaligiran para sa muling pagbabalik ng mga mag-aaral sa paaralan.
Sa pagtutulungan ng mga g**o, magulang, mag-aaral, at iba pang stakeholders, patuloy nating isusulong ang kahandaan, malasakit, at kahusayan upang maging matagumpay ang pagbubukas ng panibagong taong panuruan.
Sama-sama para sa ligtas, maayos, at handang pagbabalik-eskwela!