Scouts Royale Brotherhood Beta - Alpha Community Chapter

Scouts Royale Brotherhood Beta - Alpha Community Chapter ❤️Law of Omerta❤️

INTERMENT ANNOUNCEMENT 🕊️Our Brother , Arish Ben C. Asuncion died peacefully at home on April 3 , 2024 at the age of 28 ...
13/04/2024

INTERMENT ANNOUNCEMENT 🕊️

Our Brother , Arish Ben C. Asuncion died peacefully at home on April 3 , 2024 at the age of 28 years old. Dearly beloved Brother of Scouts Royale Brotherhood .

Family and friends are invited to attend the funeral to be held at Heavens Gate 2 Memorial Garden CABADING , on April 14 , 2024 at 3 pm.

Our Brother , Arish Ben C. Asuncion . Will remain in our hearts forever ❤️

LAST NIGHT OF VIEWING : April 13 , 2024 ( Saturday) ( tonight )

INTERMENT WILL BE ON :

DATE : April 14 , 2024 ( SUNDAY )
TIME : 3:00 pm
FINALI RESTING PLACE : Heaven's gate 2 Memorial Garden ( CABADING)

May we request to please include him in your prayers for the eternal repose of his soul .

Mahal na mahal ka namin Brother Arish Asuncion .

Rest in Beautiful Paradise Kapatid 💔🤝🏻

" SOME TRUTH IN LIFE ARE HARD TO ACCEPT , YOUR MEMORIES WILL NEVER BE FORGOTTEN " Rest in Paradise Gc Brod. Arish Asunci...
11/04/2024

" SOME TRUTH IN LIFE ARE HARD TO ACCEPT , YOUR MEMORIES WILL NEVER BE FORGOTTEN "

Rest in Paradise Gc Brod. Arish Asuncion 💔

Last night ng Lamay - Saturday ( April 13 2024 )

Hatid sa huling hantungan - Sunday ( April 14 2024 ) 3:00 pm (Heaven's gate 2)

Your presence we MISS , Your memory we TREASURE.

“Gone from our sight, but never from our hearts.”Former GRAND CHANCELLOR   Scouts Royale Brotherhood Beta - Alpha Commun...
10/04/2024

“Gone from our sight, but never from our hearts.”

Former GRAND CHANCELLOR Scouts Royale Brotherhood Beta - Alpha Community Chapter "BROD. ARISH ASUCION "

NDC Area 4 Wayback 2012-2013kumpleto at solidong area 4 mula noon
20/11/2023

NDC Area 4 Wayback 2012-2013
kumpleto at solidong area 4 mula noon

sad but true 😔😔
18/11/2023

sad but true 😔😔

pahnap si ninong
17/11/2023

pahnap si ninong

happy bday s presidente ng SRB Antipolo City Alumni Association .former officer ng NDC at former GC ng Scouts Royale Bro...
17/11/2023

happy bday s presidente ng SRB Antipolo City Alumni Association .former officer ng NDC at former GC ng Scouts Royale Brotherhood Beta - Alpha Community Chapter . Lex Silentio
always take care wag lage tumataas dugo 🤭🤭

Napakalalim pla ng History ng Kapatirang SRB Hindi basta-bsta itinayo. 🫡🫡🫡🤝🤝🤝Ang Ugat ng Lahat 🤝🤝🤝Ang Kasaysayan kung ba...
10/11/2023

Napakalalim pla ng History ng Kapatirang SRB Hindi basta-bsta itinayo. 🫡🫡🫡🤝🤝🤝

Ang Ugat ng Lahat 🤝🤝🤝

Ang Kasaysayan kung bakit nabuo ang
SCOUTS ROYALE BROTHERHOOD - ( S R B )

By Bro Jun Cristobal
APO Alpha Delta '74

One is the SRB-APO, SRB members who eventually became APO but have deep affection and bonds with SRB, the second is the SRB traditionalists, members who while remained SRB have maintained a strong bondship and fraternal affinity with APO by virtue of its bloodline with the APO Alpha Delta chapter and lastly, the SRB Forever, who have since declared independence. However, all SRB are united in developing Leadership, promoting Friendship and rendering genuine Service.

In some schools, SRB and APO not only co-exist but have strong mutual and fraternal relationships.

From an intermediate service fraternity for high school students in 1975, SRB is now an Intermediate and Collegiate National Service Fraternity and Sorority with chapters in major colleges and universities nationwide as well as abroad. Last September 22,2023. SRB celebrated its 48TH Founding Anniversary Mabuhay ang SRB! Sa Buong Pilipinas at maging sa ibang bansa!

Ang Alpha Delta ay ang chapter ng Alpha Phi Omega sa San Sebastian College-Recoletos manila na nabuo noong 1965. Ito ay isa sa mga matibay at malakas na chapter ng APO di lamang sa University Belt area kundi sa buong kamaynilaan at Pilipinas. Sa katunayan isa sa mga brother na mula sa Alpha Delta ang naging pambansang pangulo ng APO, si Bro Cary Lazo, Alpha Delta '70. Bukod dyan kilala ang mga kapatid sa Alpha Delta sa pagdamay sa mga iba't ibang chapter na may mga problema partikular noong dekada 70.

Ang dekada 70

Ang dekada 70 ay isang kasaysayan sa Pilipinas na punong-puno ng karahasan sa hanay ng mga kabataan at estudyante. Pumutok ang First Quarter Storm noong Enero 1970 at mula noon ay lumubha ng lumubha ang gulo sa Kamaynilaan bunga ng labanan ng mga estudyanteng aktibista at mga pulis na na naging dahilan upang ipataw ang batas militar (Martial Law).

Tumahimik ang mga kolehiyo at unibersidad nguni't mga ilang panahon lamang ay nagkagulo na naman sa mga paaralan, hindi bunga ng aktibismo kundi dahil sa Frat Wars na kinatatampukan ng Alpha Phi Omega, Beta Sigma at iba pang fraternities sa iba't ibang unibersidad at kolehiyo sa Kamaynilaan tulad ng sa APO Alpha Delta Chapter.

Frat war ng APO at Beta Sigma

Ang Frat War ng APO at Beta Sigma ay pinakatampok sa mga Frat Wars noong dekada 70. Ito ay marahas at madugo ngunit labanan din ito ng talino, stratehiya at taktika sa pag-atake, rambulan at kahit na sa larangan ng katalinuhan sa pag-aaral. May mga magkakaibigan sa magkabilang panig ngunit kung may Frat War nagiging magkaaway sila. Nagpapaligsahan din sa recruitment ang APO at Beta Sigma ng mga neophytes. Violente, mapanganib nguni't punong puno ng indoktrinasyon sa prinsipyo ng APO at Scouting ang initiation ng mga kapatid sa APO. Hindi lang tapang ang kailangan, higit na kailangan ng talino para pumasa at maging APO ang isang neophyte.

Ang pagtatatag ng Scouts Royale Brotherhood

Hindi basta naitatag ang Scouts Royale Brotherhood nang ganoon na lamang. May mga sitwasyon at dahilan bakit ito nabuo ng mga kapatid sa APO Alpha Delta Chapter. Ito ay bunga ng gulo ng APO at Beta Sigma. Ang APO Alpha Delta Chapter ang isa sa pinakamalakas na chapter ng APO at ganoon din ang Beta Sigma sa San Sebastian College-Recoletos Manila Hindi lang tagisan ng tapang, kasama rin ang talino sa karakter ng Frat War sa APO Alpha Delta Chapter. Nagbuo rin ng high school fraternity ang Beta Sigma at tinawag nila itong Betan Elite Society na may chapter din sa San Beda College.

May mga high school din sa APO Alpha Delta Chapter San Sebastian College-Recoletos Manila na di maiiwasan na maging interesado sa mga nangyayari sa APO at Beta Sigma. Lumalapit sila at minsan ay umiistambay sa tambayan ng APO sa likod ng Simbahan ng San Sebastian College, sa 1925 International Restaurant at iyong Bamboo House. Karamihan sa kanila sa pamumuno ng yumaong Bro Bing Marabut na high school noon ay gustong mag-APO ngunit hindi maaari dahil ang APO ay pang kolehiyo lamang. Madalas sila doon at nagmamasid sa mga kilos ng mga kapatid sa APO.

Sa panahong ito ng unang semestre ng school year 1975, si Bro B**g Manuel, Alpha Delta '72, ang Grand Chancellor ng APO Alpha Delta Chapter at si Bro Len Toledo, Alpha Delta '73, naman ang sumunod sa kanya. Ang master initiator ay si Bro Col.Vic Tomelden, Alpha Delta '73 at Bro Ferdie Villa ng APO Alpha Eta Chapter Malakas ang pwersa ng APO Alpha Delta Chapter at halos ganoon din ang Beta Sigma at ang Betan Elite Society.

Tanghali ng September 19, 1975, naglalakad si Bro Col Vic Tomelden at Bro Jun Cristobal, Alpha Delta '74, sa harap ng gate ng San Sebastian College-Recoletos Manila upang mananghalian sa Luisa and Sons sa may CM Recto at Legarda. Bigla na lamang silang pinaligiran ng mahigit 50 Miyembro ng Betan Elite Society na may hawak na mga panaksak, tubo, kadena at iba pa. Nabigla ngunit di nawalan ng loob sa gitna ng panganib ang dalawa at bago pa man maihampas ang unang tubo, nakapagsalita si Bro Jun Cristobal upang makipagnegotiate sa mga Betan Elite Society . Nakumbinsi na hindi dapat magkagulo ang mga high school at college students kahit magkaiba pa ang mga fraternities sa iisang kolehiyo. Hindi natuloy ang gulo ngunit nagbigay ito nang isang kakaibang sitwasyon sa mga pwersa APO at Beta Sigma.

Bunga nito, napag-isip ng dalawa na gumawa ng hakbang upang mabalanse ang pwersa ng APO at Beta Sigma sa San Sebastian College-Recoletos Manila Nakipag-usap ang dalawa kay Bro Bing Marabut at itanong kung ano ang lagay ng Betan Elite Society sa mga high school na estudyante sa San Sebastian College. Sinabi ni Bro Bing na maraming galit sa mga Betan Elite Society na mag-aaral at sila ay binu-bully madalas at pinagtatangkaang saktan. Kung maoorganisa ang mga naaaping high school ay matitigil ang pagsisiga-sigaan ng mga Betan Elite Society. Napagkasunduan na makipagpulong ang mga inaaping high school sa dalawang APO matapos ang klase. Ipinaalam din ng dalawa ang nangyari kay Bro B**g Manuel at ilang brods sa APO Alpha Delta Chapter.

Kinagabihan ding iyon ay nakipagpulong si Bro Vic Tomelden at Bro Jun Cristobal kay Bro Cary Lazo sa bahay nito at agad syang sumang ayon sa ideya ng pagbubuo ng high school fraternity. Matapos ang dalawang araw at sa basbas ng Grand Chancellor na si Bro B**g Manuel, naging pormal ang initiation ng mga high school sa San Sebastian College Church Yard noong September 22, 1975, alas tres ng hapon.

Nang malaman ito ni Bro Boy Aure,APO Beta Alpha '75, nakapagrecruit sya ng 3 high school mula sa NCBA upang maisama sa 37 charter members. Tinagurian ni Bro Len Toledo ang yumaong Bro Bing Marabut, presidente ng mga charter members bilang Il Duce. Napagkasunduan din na tawagin ito na Scouts Royale Brotherhood (SRB) upang magkaroon ng distinction sa ibang Greek Letter Fraternities. Ang unang seal ng SRB ay dinesenyo ni Bro Bobby Vette ng APO Pi Chapter. Si Bro Vic Tomelden at Bro Jun Cristobal naman ang naging master initiators.

Ang indoktrinasyon ng SRB ay base sa mga prinsipyo at paniniwala ng APO tulad ng Leadership, Friendship and Service, the 12 Jewels of Scout Law, 4 Folds of Services at yong Motto of doing a good turn daily. Halos walang pinag-iba dahil ang pinaka adhika ng SRB ay maging isang fraternity sa high school tulad ng sa APO sa kolehiyo. Ang SRB rin ay isang hakbang upang palawakin ang impluwensya ng APO sa high school na ngayon ang SRB ay my collegiate chapters na sa ibat ibang colleges, universities dito sa Pilipinas. Hindi lang ito pang High School pang Collegiate students din na gusto pumasok at maging isang member ng SRB.

Hindi rin naging madali na suportahan ng mga kapatid sa APO ang pagbubuo ng SRB. Nagkaroon ng debate at mga argumento kung dapat ituloy o itigil ang pagbubuo ng SRB. Nanatiling matibay ang posisyon ni Bro Cary Lazo, Bro B**g Manuel, Bro Len Toledo, Bro Vic Tomelden, Bro Jun Cristobal na ituloy ito ngunit marami ring mga kapatid ang ayaw sumang-ayon. Ang mga diskusyon ay naging mainit at ito ang laging pinag-uusapan araw-araw. Umabot ito sa punto na maaring ikahati ng APO ang usaping SRB at dahil dito nanawagan si Bro Boy Cruz,APO Alpha Delta '66 ng isang eleksyon upang desisyunan kung mabubuo o hindi ang SRB.

Nagbigay ng ilang araw na palugit upang magkampanya at ipaliwanag ang mga advantages at disadvantages ng SRB sa APO, at ng dumating ang eleksyon, nanalo ang boto na ituloy ang pag-oorganisa ng SRB. Dito ipinakita ng mga kapatid sa APO ang pagsunod sa demokratikong proseso ng pagpili at ang pagsunod sa gusto ng karamihan. Nagkaisa ang lahat upang tumulong para maging isang tagumpay ang pagbuo sa SRB.

Matapos ang final initiations na ginawa sa bahay ni Bro Ching Nieva, APO Alpha Delta '75 at ritual rites, nabuo ang unang chapter ng SRB sa Roosevelt College, Concepcion, Marikina at mula noon ay lumaganap ang Scouts Royale Brotherhood sa buong Pilipinas, sa mga Paaralan ng High School at Kolehiyo o komunidad.

Mga Aral sa Pagbubuo ng SRB

Ang Scouts Royale Brotherhood ay hindi na-organisa ng ganoon na lamang. Ito ay may dahilan at iniluwal ito ng isang kondisyon noong dekada '70 sa panahon ng tunggalian ng APO at Beta Sigma at kalakasan ng iba't ibang fraternities.

Pinatunayan ng SRB at ng Betan Elite Society, na hindi maihihiwalay ang mga high school sa kabuuang karakter ng mga fraternities o iba't ibang organisasyon sa kolehiyo. Kailangan lamang nang modification at iayon ito sa sitwasyon.

Sa ilang attempt na maging parte ng APO ang SRB, ang pinakahuli ay gawing Associate Members ang mga kapatid sa SRB, walang nagtagumpay sa mga ito. Ang sabi nga ni Bro Mel Adriano na matagal na naging presidente ng APO sa Pilipinas, ito ay destiny ng SRB na maging isang fraternity hiwalay sa APO ngunit parehong prinsipyo at paniniwala. Pero ngayon maraming APO Chapters na sa Pilipinas ang kinikilala na associate members nila ang SRB at nakalagay nadin sa Recruitment post nila ang SRB. Simula ng ipinaglaban nila Bro Jun Cristobal at Dating Pangulo ng APO dito sa pilipinas na si Bro Marcelino Tatang Ferry na isang SRB - APO.

Ang mabilis at malaking paglawak ng SRB noong 1975 ngunit walang malinaw na organizational structure at makinarya at walang pormal na suporta ng APO sa national level ay mabigat na pasanin kay Bro Cary Lazo at Bro Len Toledo na nagpatuloy sa pag-gabay sa liderato ng SRB noon 70s/80s/90s.

Isang pagkakamali ang kawalan ng pagtingin at di pagbibigay halaga sa mga SRB na hindi makakapag-APO ng ito ay simulang iorganisa. Isa itong dilemma at bagahe sa ibang hindi nakapag-APO noon na ang isang dahilan para mag SRB ay maging APO pagdating sa kolehiyo. Ito rin ang posibleng sanhi ng di-pagkakaunawaan ng mga kapatid sa SRB at APO, dahil my mga miyembro ng APO na mataas ang tingin sa sarili na Hindi kumakamay at minamaliit ang SRB Sinasabi na SRB LANG mag APO ka muna bago kita Kamayan at kilalanin bilang Brod ang pagkakawatak-watak at di pagkakaunawaan sa loob mismo ng SRB at namuong galit ng iba sa APO. Bagama't nasa tao at sitwasyon kung makapag-APO o hindi ang isang kapatid, ang usaping ito ay mananatiling bukas at hamon upang maiayos at mabigyan ng solusyon sa hinaharap.

Hindi kailanman mababago ang kasaysayan at ito ay nangyari na. Ang SRB ay binuo ng isang chapter ng APO, ang Alpha Delta sa San Sebastian College Ang SRB ay galing sa APO at ang APO ay binuo ng isang Freemason, si Bro Frank Reed Horton.

Scouts Royale Brotherhood National Service Fraternity and Sorority.

CTTO: 1975

Captain saraba tshirt(friendly fraterniy that is srb)a toon art by Jan teves. and jojo quiaoit mascot design. Frat shirt...
10/11/2023

Captain saraba tshirt
(friendly fraterniy that is srb)
a toon art by Jan teves. and jojo quiaoit mascot design. Frat shirt for a cause

for only :
550srp

with sticker
oversized clothing

Ano nga ba ang Grand Chancellor/Grand Lady Chancellor??Maling pang-intindi ng iilan sa pagiging Grand Chancellor (GC) / ...
05/11/2023

Ano nga ba ang Grand Chancellor/Grand Lady Chancellor??

Maling pang-intindi ng iilan sa pagiging Grand Chancellor (GC) / Grand Lady Chancellor (GLC) o Leader ng Isang Chapter.

Akala ng iba kapag GC/GLC ka dapat matapang ka, Astig at buo ang loob. Pero ito ay kabaliktaran, dapat kapag GC/GLC ka ikaw ang pinakamahinahon mag isip. Hindi padalos-dalos sa desisyon dahil ikaw ang nagsisilbing ama/ina ng iyong chapter o nasasakupan.

Dapat malawak ang pang-unawa mo, dapat kaya mong mapasunod ang residente mo sa tamang pamamaraan o proseso. Dapat concern ka para ikauunlad ng chapter mo at ginagawa mo ang lahat para sa ikabubuti.

Marami mang pagsubok ang dumating sa inyo dapat ikaw ang pinakamatatag, dapat ipinapakita mo sa nasasakupan mo na kaya mo at kaya niyo.

higit sa lahat kapag GC o GLC ka, dapat mabuti kang huwaran para sa lahat ng residente o nasasakupan mo. mahirap magbawal sa isang gawain kung ikaw mismo ang pasimuno o gumagawa ng gawaing ito.

Saludo sa lahat ng ating pinuno o mga GC/GLC. Salamat sa mga effort at pagsusumikap ninyo sa pagtataguyod ng inyong mga residente o chapter.

ScoutSalute sa inyo ‼️🔥⚜️💯

Ctto: SRB News and Updates repost

Address

Antipolo
1870

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Scouts Royale Brotherhood Beta - Alpha Community Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Scouts Royale Brotherhood Beta - Alpha Community Chapter:

Share

Category