Dela Paz Command Center

Dela Paz Command Center Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Dela Paz Command Center, Government Organization, NHA Avenue Sitio Broadway, Barangay Dela Paz, Antipolo.

Binata na kami!Ang bulalas ng nasa 200 kabataang lalaki nang “Mabinyagan” (Matulian) sa isinagawang Libreng Tuli na hati...
16/04/2026

Binata na kami!

Ang bulalas ng nasa 200 kabataang lalaki nang “Mabinyagan” (Matulian) sa isinagawang Libreng Tuli na hatid ng lokal na pamahalaan ng Antipolo City.

Bagamat dama ang kirot, umuwing nakangiti ang mga kabataang lalaki, gayundin ang kanilang magulang.

Bitbit ang alaala hanggang sa pagtanda, isang taos pusong pasasalamat ang kanilang paabot kay Mayor Jun Ynares III, mga doktor na nangasiwa ng pagtutuli at mga kawani ng barangay na matiyagang tumulong sa natatanging araw na hudyat ng kanilang pagbibinata.

Libreng Taekwondo training sinimulan na!Sa tulong at gabay ni Philippine Taekwondo Association (PTA) Junior Master Instr...
15/04/2026

Libreng Taekwondo training sinimulan na!

Sa tulong at gabay ni Philippine Taekwondo Association (PTA) Junior Master Instructor Edaño Jefferson, ganap nang sumipa ang libreng pagsasanay sa larangan ng Taekwondo.

Sa kabuuan, umabot na sa 73 kabataan ang nagpatala para sumailalim sa training na naglalayon bigyan ng kaalaman, disiplina at kasanayan sa martial arts.

Isasagawa ang pagsasanay tatlong beses isang linggo hanggang sa matapos ang 12 sessions.

Bukod pa sa kasanayan at malakas na pangangatawan, malaking bentahe rin ang aktibidad na maglalayo sa kanila sa peligrong kalakip ng droga.

Dahil madami na ang nakakalimot at sa hangarin tiyakin ang kaayusan sa ating mga lansangan, mahigpit na ipatutupad ng lo...
14/04/2026

Dahil madami na ang nakakalimot at sa hangarin tiyakin ang kaayusan sa ating mga lansangan, mahigpit na ipatutupad ng lokal na pulisya ang Safer Cities Initiative ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Alinsunod sa direktiba ni DILG Secretary Jonvic Remulla, muli nating ipinaalala sa ating mga kabarangay na bawal ang pag-iinuman sa pampublikong lugar, paghuhubad ng damit pantaas sa mga lansangan, gayundin ang pag vivideoke ng higit sa alas diyes ng gabi (10 PM) at curfew sa hanay ng mga kabataan.

Batay sa DILG Memorandum 029 (series of 2026), papatawan ng multa ang mga lalabag sa panuntunan.

Panawagan ni Kapitan Jeff Naval Fernan at ng buong Sanggunian sa mga residente ng Barangay Dela Paz, sumunod sa kautusan ng pamahalaan para na rin sa kaayusan ng ating pamayanan.

31/03/2026
Para sa ating kaunlaran at kaayusan, higit na angkop ang sabayang tugon ng mga mamamayan at ng pamahalaan.  Ito rin ang ...
20/03/2026

Para sa ating kaunlaran at kaayusan, higit na angkop ang sabayang tugon ng mga mamamayan at ng pamahalaan.

Ito rin ang dahilan kung bakit kailangan natin dumalo sa Barangay Assembly Day na gaganapin sa Marso 28, alas 8:00 ng umaga sa Dela Paz National High School.

Sa temang "Nagkakaisang Barangay Tungo sa Kalinisan, Kaayusan, Kapayapaan at Kaunlaran," sabay-sabay natin balangkasin ang mga pamamaraan para na rin sa ating kapakanan.

Hindi gobyerno, hindi rin kayo --- kundi tayong lahat ang magtatakda ng ating kinabukasan.

Alinsunod sa Memorandum Order 15 (series of 2026) ng National Disaster and Risk Reduction Management Council (NDRRMC), m...
12/03/2026

Alinsunod sa Memorandum Order 15 (series of 2026) ng National Disaster and Risk Reduction Management Council (NDRRMC), muling nagsagawa ng simulation drill ang Barangay Dela Paz bilang paghahanda sakaling yanigin ng malakas na lindol ang ating probinsya.

Sa ginanap na First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake (NSED), muling ipinamalas ng mga kawani ng barangay ang kahandaan bago pa man tumama, habang yumayanig at pagkatapos ng lindol.

Bahagi rin ng NSED na sanayin ang rescue teams sa tamang paraan ng paglikas at pagsagip ng buhay.

Kaligtasan ng mga mamamayan, higit sa ano pa man.

https://www.facebook.com/share/p/15cWcGtoB8/
14/01/2025

https://www.facebook.com/share/p/15cWcGtoB8/

Nanay Gie, na'san na po kayo? Hanap na po kayo ng inyong pamilya. ☹️

Mga kababayan, pagtulungan po nating makauwi sa kaniyang pamilya si Regina "Gie" Pia, 56 years old, mula Dolorosa Pinagmisahan, Barangay de la Paz.

Mayroon pong sintomas ng depression si nanay Gie 🙁 Huli po siyang nakita noong January 11 (Sabado), pasado alas-9 ng umaga noong nagpaalam itong lalabas lamang. Mula po noon ay hindi pa po siya nakakabalik.

Ang huling suot po niya ay puting blouse at peach na shorts.

Kung mayroon man pong nakakita o nakakaalam sa kinaroroonan ni nanay Gie, makipag-ugnayan lamang po sa kaniyang asawa na si Jerry Pia sa numerong 09982477141

Magtulungan po tayong mahanap si nanay Gie, Antipolo.


Isa nang ganap na bagyo ang namataang tropical depression sa kanlurang bahagi ng Luzon. Batay sa pinakahuling forecast n...
02/09/2024

Isa nang ganap na bagyo ang namataang tropical depression sa kanlurang bahagi ng Luzon. Batay sa pinakahuling forecast ng PAGASA, mabagal na binabagtas ng bagyong Enteng ang silangang bahagi ng Luzon kung saan inaasahan ang patuloy na buhos ng ulan patungo sa hilaga.
Ayon sa government weather bureau, palalakasin pa ng hanging Habagat ang buhos ng ulan sa susunod na 24 oras.
Kaya naman panawagan ni Kapitan Jeff Naval Fernan at ng buong Sanggunian sa mga residenteng nakatira sa mababang lugar, maging yaong mga malapit sa sapat at ilog na maging alerto sa posibleng peligrong dulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Para sa mga tawag ng saklolo i-dial lamang ang 8-260-0182 at asahan ang agarang responde ng Barangay Dela Paz, sa pakikipagtulungan ng local rescue groups, pulisya, pamatay-sunog, emergency frontliners at pamahalaang lungsod. Pwede rin magpadala ng mensahe sa ating official page o magtext sa 0960-6044446 (Text Hotline).

https://www.facebook.com/share/p/24Avfwc7ddf42pL7/?mibextid=xfxF2i
25/07/2024

https://www.facebook.com/share/p/24Avfwc7ddf42pL7/?mibextid=xfxF2i

𝐂𝐀𝐑𝐈𝐍𝐀 𝐎𝐔𝐓, 𝐍𝐄𝐖 𝐋𝐏𝐀 𝐈𝐍! 🌧️⚠️

Sa paglabas ng Typhoon o dating si Bagyong ng PAR ngayong umaga, isang panibagong sama ng panahon o LPA ang nagbabadyang pumasok sa PAR mamayang gabi o bukas ng umaga.

Namataan ito sa silangan ng at base sa ipinapakita sa ngayon ng weather models, may posibilidad na mag-develop ito bilang bagyo at patuloy natin itong babantayan sa mga susunod na araw dahil posible pa rin itong MAGBAGO.

Sa ngayon ay tumataas na ang tsansang maging bagyo ito (50% MEDIUM) at kung sakaling maging bagyo sa loob ng PAR, tatawagin itong “𝘿𝙄𝙉𝘿𝙊" ng PAGASA.

Manatiling umantabay sa mga susunod na update na ipalalabas hinggil dito.

Mga Ka Barangay!Panawagan po sa magulang ng batang ito. Sya po ay natagpuan sa 7/11 Zonta, Barangay San Isidro. Sya po n...
19/04/2024

Mga Ka Barangay!

Panawagan po sa magulang ng batang ito. Sya po ay natagpuan sa 7/11 Zonta, Barangay San Isidro. Sya po ngayon ay nasa pangangalaga ng ating Sitio Coordinator na si Janet Vailoces ng Sitio Broadway. Maaari po kayong makipag ugnayan sa ating Command Center. Marami pong salamat.

Dela Paz Command Center:
09606044446

Mandato ng lokal na pamahalaan kayo’y paglingkuran. Trabaho naman ng lokal na himpilan ng pulisya kayo’y protektahan. Pe...
24/01/2024

Mandato ng lokal na pamahalaan kayo’y paglingkuran. Trabaho naman ng lokal na himpilan ng pulisya kayo’y protektahan.

Pero mas mainam syempre kung ang lokal na pamahalaan, ang kapulisan at ang mga mamamayan ay magkatuwang para tiyakin ang kaunlaran, kaayusan at kapayapaan ng ating pamayanan.

Para sa anumang impormasyon sa mga ilegal na aktibidad, at maging sa tawag ng saklolo, bukas ang linya ng komunikasyon ng Antipolo City Police Station.

Address

NHA Avenue Sitio Broadway, Barangay Dela Paz
Antipolo
1870

Telephone

+639606044446

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dela Paz Command Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Dela Paz Command Center:

Share