Barangay Muntindilaw Antipolo

Barangay Muntindilaw Antipolo Barangay Muntindilaw, Antipolo City was created by the virtue of Batas Pambansa Blg.792 date April 2 Gilberto Duavit (Representative 1992-2001).
(1)

BARANGAY MUNTINDILAW … is one of the sixteen (16) barangays of the City of Antipolo. It is the third smallest barangay with 473.11 hectares in terms of land area but is rich in history and interesting stories of the past. The name of Muntindilaw came from the original phrase “MUNTING DILAO” (munting means little and dilao means yellow), used by Hon. Daniel Garcia (Mayor 1988-1998) who founded Barangay Muntindilaw together with Hon. The land area of three barangays in Antipolo City (Barangay Mayamot, Barangay Mambugan and Barangay Dela Paz) was so vast thus they wanted the institution of another barangay. The two walked through the high area of Barangay Mambugan (present location of Cloud 9 Resort and Restaurant) and saw a golden rice field which was at the season of harvest at that time. While he was overseeing former Sitio Bulao of Barangay Mayamot, Hon. Daniel Garcia, then Mayor of Antipolo, said “There, there in that little yellow area we will establish a new barangay of Antipolo”. Barangay Muntindilaw was popularly known as Bulao. This place was made up of fields where rice and vegetables were planted. At that tome, the barangay was known for its agriculture harvest such as rice, corn, watermelon, tomato, turnips, string beans, eggplant, sweet potato and peanuts. A river called Palanas was a famous destination of people from nearby rural areas because of its clear water which flows down from Hinulugang Taktak. Creation of Barangay Muntindilaw

Barangay Muntindilaw, Antipolo City was created by the virtue of Batas Pambansa Blg.792 date April 27, 1984,“An act constituting Sitio’s of Muntindilaw,Bulao,San V***a,Mahayhay, Napindan,Dagatan,Valley Golf Club and part of Victoria Valley in Barangay Mambugan and Dela Paz,Municipality of Antipolo,Province of Rizal,into a new barangay to be known as Barangay Muntindilaw”. Barangay Muntindilaw is a well-balanced community, free from crimes, waste, unemployment, malnourishment, inaccessibility and stagnant developments. We believed that good governance and participative communities are key players for changes and developments”. Barangay Muntindilaw shall include the area bounded by: N- Bulao Creek, Barangay Mambugan, E- Victoria Valley Avenue, S- Municipalities of Taytay and Cainta, W- Municipality of Cainta. POPULATION

Based on 2015 Census of Population
Population …………………………………………………… 11,644
Total No. of Households / families ………………………….. 2,096

LAND AREA ………………………………………………………. 473.11 Hectares

CONTACT NO. 8-463-0853 / 8-463-0534

17/08/2026

Dahil masama ang weather forecast ng PAGASA para bukas, 𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐒𝐎𝐊
August 18, 2026
𝐀𝐋𝐋 𝐋𝐄𝐕𝐄𝐋𝐒
𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐚𝐧𝐝 𝐏𝐫𝐢𝐯𝐚𝐭𝐞 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥𝐬

Dahil sa PAGASA weather forecast (hula o pagtataya) kung saan patuloy na magiging masama ang panahon bukas dulot ng Habagat, SUSPENDIDO pareho ang FACE-TO-FACE at ONLINE CLASSES sa LAHAT NG ANTAS sa mga PUBLIC at PRIVATE schools sa 𝘼𝙣𝙩𝙞𝙥𝙤𝙡𝙤 BUKAS, August 18, 2026.

God bless Antipolo 🙏

🚨 PUBLIC ADVISORY 🚨🌪️SOUTHWEST MONSOONPinapaalalahanan ang lahat ng residente na manatiling alerto at maging handa sa po...
17/08/2026

🚨 PUBLIC ADVISORY 🚨

🌪️SOUTHWEST MONSOON

Pinapaalalahanan ang lahat ng residente na manatiling alerto at maging handa sa posibleng epekto ng Southwest monsoon

⚠️ Sa mga nakatira sa mga lugar na mababa, tabing-ilog, tabing-dagat, at mga lugar na may panganib ng pagbaha at pagguho ng lupa, hinihikayat ang lahat na LUMIKAS NANG MAAGA.

❗ Huwag nang hintayin ang malakas na ulan at hangin bago lumikas. Ang maagang paglikas ay makatutulong upang maiwasan ang panganib at maprotektahan ang buhay ng inyong pamilya.

Mangyaring tingnan at sundin ang mga tagubilin, safety measures, at emergency contact numbers na nakapaloob sa kalakip na larawan.

📌 Maging handa. Manatiling ligtas. Sumunod sa mga abiso ng awtoridad.

🙏 Ang kaligtasan ng bawat isa ang ating pangunahing prayoridad.

-BRGY. PUBLIC INFORMATION OFFICE.

17/08/2026

Bilang pagsunod sa inilabas na memo ng Malacañang ngayong 10:52 AM na mag-adopt ng Alternative Work Arrangements (AWA) ang mga pampublikong tanggapan dahil sa lakas ng ulan na dala ng Habagat, magpapatupad po tayo ng SKELETAL WORKFORCE ARRANGEMENT ngayong August 17, 2026 (Lunes).

Inatasan po natin ang mga department heads natin na siguruhing may matitirang mga personnel sa ating mga opisina, para patuloy pa ring makapaghatid ng services.

Tulad ng dati, tuloy po ang operations ng mga tanggapang may kinalaman sa health, disaster preparedness and response, emergency and rescue operations, public safety, at iba pang mahalagang serbisyo.

Nakataas din ang Orange Heavy Rainfall Warning sa Antipolo ngayon kaya mag-iIngat po tayong lahat.

https://www.facebook.com/share/p/1MosLedLqr/

17/08/2026

Batay sa 8AM at 945AM advisory ng PAGASA, SUSPENDIDO ang lahat ng klase sa lahat ng antas, public at private schools, sa AFTERNOON CLASSES ngayong LUNES, August 17, 2026, sa Lungsod ng Antipolo.
Para naman sa mga morning classes, inaabisuhan ang mga paaralan na patapusin muna ang kasalukuyang klase at huwag agad pauwiin ang mga estudyante kung patuloy o malakas ang pag-ulan.
🏫 Pakiusap sa ating mga school administrators: Siguraduhing ligtas ang mga estudyante bago sila payagang umuwi. Kung kinakailangan, maaaring manatili muna sila sa paaralan hanggang humina ang ulan at maging mas ligtas ang kanilang pag-uwi.
👨‍👩‍👧‍👦 Sa mga magulang at guardians, makipag-ugnayan po sa inyong mga paaralan at siguraduhing ligtas ang inyong mga anak sa kanilang pag-uwi.🙏

Isang taos-pusong pagbati sa ating ipinagmamalaking kabarangay, Brent Nicollo Soledad ng Barangay Muntindilaw, sa napaka...
17/08/2026

Isang taos-pusong pagbati sa ating ipinagmamalaking kabarangay, Brent Nicollo Soledad ng Barangay Muntindilaw, sa napakagandang tagumpay bilang bahagi ng Philippine U-12 Baseball Team sa BFA XII U-12 Asian Baseball Championship na ginanap sa Hangzhou Xiaoshan, China! 🇨🇳⚾

Ang inyong pagkakamit ng TOP 5 SA ASYA ay isang napakalaking karangalan at patunay ng iyong sipag, tiyaga, disiplina, dedikasyon, at pagmamahal sa baseball. Ipinakita mo ang husay at puso ng isang tunay na atletang Pilipino sa pandaigdigang entablado. 🇵🇭❤️

Mula Barangay Muntindilaw hanggang China, dala mo ang pangalan at dangal ng ating barangay at buong Pilipinas. Tunay kang inspirasyon sa ating mga kabataang nangangarap maging mahusay sa larangan ng palakasan.

Ipagpatuloy mo ang pagsusumikap, pagsasanay, at pag-abot sa iyong mga pangarap. Ito ay simula pa lamang ng mas marami pang tagumpay na naghihintay sa iyo! 💪⚾

Mabuhay ka, Brent! Ipinagmamalaki ka namin! 👏🎉
Congratulations, Team Philippines! TOP 5 SA ASYA! 🇵🇭🏆

Pagbati at buong pagmamalaki mula kay Kapitan Marcelo N. Young Jr. at sa buong pamunuan at mamamayan ng Barangay Muntindilaw.

Padayon, Brent! Ang buong Muntindilaw ay kasama mo sa bawat laban at tagumpay! ⚾🇵🇭❤️

🏆🇵🇭 CONGRATULATIONS, TEAM PHILIPPINES! 🇵🇭🏆

What an incredible achievement! 🎉 Congratulations to the Philippine U-12 Baseball Team for finishing TOP 5 in the BFA XII U-12 Asian Baseball Championship held in Hangzhou Xiaoshan, China! 🇨🇳⚾

A special congratulations to Brent Soledad for representing the Philippines with pride, heart, and determination. 🇵🇭🔥 Your hard work, discipline, and passion for baseball brought you all the way to the international stage. Finishing Top 5 in Asia is something to be truly proud of!

From the Philippines to China, you showed that Filipino baseball has the talent and fighting spirit to compete with the best. 💪⚾

Congratulations, Brent! Congratulations, Team Philippines!
The journey continues, and this is only the beginning! 🇵🇭❤️⚾

TOP 5 IN ASIA! 🌏🏆
MABUHAY ANG PILIPINAS! 🇵🇭

Matagumpay na naipagpatuloy noong August 14, 2026 ang ika tatlumpu't limang na araw ng House-to-House Supplemental Feedi...
14/08/2026

Matagumpay na naipagpatuloy noong August 14, 2026 ang ika tatlumpu't limang na araw ng House-to-House Supplemental Feeding Program ng Barangay Muntindilaw, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng ating barangay na mapabuti ang kalusugan at nutrisyon ng ating mga kababayan.

Ang programang ito ay isinasagawa sa direktiba ni Kapitan Marcelo N. Young Jr., katuwang ang Committee on Health and Nutrition sa pangunguna ni Kagawad Merlita Molina, kasama ang buong Sangguniang Barangay ng Muntindilaw.

Patuloy na personal na inihahatid sa mga tahanan ang mga masustansyang pagkain para sa mga kwalipikadong benepisyaryo na may rekord sa Barangay Health Center at natukoy sa pamamagitan ng Oplan Timbang, upang matiyak na sila ay naaabot ng serbisyong nararapat sa kanila.

Lubos din ang aming pasasalamat kay Barangay Nutrition Scholar (BNS) Gng. Norma Picache sa kanyang walang sawang dedikasyon at tapat na paglilingkod sa matagumpay na pagpapatupad ng programang ito.

Magpapatuloy pa rin ang House-to-House Supplemental Feeding Program sa mga susunod na araw hanggang sa maabot ang lahat ng kwalipikadong benepisyaryo.

Patuloy po nating suportahan ang mga programang naglalayong mapabuti ang kalusugan, nutrisyon, at kapakanan ng bawat pamilyang Muntindilaweño.

14/08/2026

📣 SUSPENDIDO ang lahat ng klase sa lahat ng antas, public at private schools, sa AFTERNOON CLASSES ngayong Biyernes, August 14, 2026, sa Lungsod ng Antipolo.

Para naman sa mga morning classes, inaabisuhan ang mga paaralan na patapusin muna ang kasalukuyang klase at huwag agad pauwiin ang mga estudyante kung patuloy o malakas ang pag-ulan.

🏫 Pakiusap sa ating mga school administrators: Siguraduhing ligtas ang mga estudyante bago sila payagang umuwi. Kung kinakailangan, maaaring manatili muna sila sa paaralan hanggang humina ang ulan at maging mas ligtas ang kanilang pag-uwi.

👨‍👩‍👧‍👦 Sa mga magulang at guardians, makipag-ugnayan po sa inyong mga paaralan at siguraduhing ligtas ang inyong mga anak sa kanilang pag-uwi.🙏

Matagumpay na naipagpatuloy noong August 13, 2026 ang ika tatlumpu't apat na araw ng House-to-House Supplemental Feeding...
13/08/2026

Matagumpay na naipagpatuloy noong August 13, 2026 ang ika tatlumpu't apat na araw ng House-to-House Supplemental Feeding Program ng Barangay Muntindilaw, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng ating barangay na mapabuti ang kalusugan at nutrisyon ng ating mga kababayan.

Ang programang ito ay isinasagawa sa direktiba ni Kapitan Marcelo N. Young Jr., katuwang ang Committee on Health and Nutrition sa pangunguna ni Kagawad Merlita Molina, kasama ang buong Sangguniang Barangay ng Muntindilaw.

Patuloy na personal na inihahatid sa mga tahanan ang mga masustansyang pagkain para sa mga kwalipikadong benepisyaryo na may rekord sa Barangay Health Center at natukoy sa pamamagitan ng Oplan Timbang, upang matiyak na sila ay naaabot ng serbisyong nararapat sa kanila.

Lubos din ang aming pasasalamat kay Barangay Nutrition Scholar (BNS) Gng. Norma Picache sa kanyang walang sawang dedikasyon at tapat na paglilingkod sa matagumpay na pagpapatupad ng programang ito.

Magpapatuloy pa rin ang House-to-House Supplemental Feeding Program sa mga susunod na araw hanggang sa maabot ang lahat ng kwalipikadong benepisyaryo.

Patuloy po nating suportahan ang mga programang naglalayong mapabuti ang kalusugan, nutrisyon, at kapakanan ng bawat pamilyang Muntindilaweño.

13/08/2026

📢💉 MEASLES-RUBELLA (MR) SUPPLEMENTAL IMMUNIZATION ACTIVITY 💉📢

Mga minamahal naming kabarangay, narito po ang schedule ng Measles-Rubella (MR) Supplemental Immunization Activity sa bawat sitio.

Hinihikayat po namin ang mga magulang at guardians na dalhin ang kanilang mga anak sa itinakdang vaccination site sa inyong lugar ayon sa schedule. 🧒👧❤️

📅 SCHEDULE PER SITIO

📍 AUGUST 10 – MONDAY
• Dagatan/Manggahan

📍 AUGUST 11 – TUESDAY
• Lovanа — Halfcourt
• Sitio Manggahan — Chapel

📍 AUGUST 12 – WEDNESDAY
• BSN — Chapel

📍 AUGUST 13 – THURSDAY
• Ondoy PH 1 — Omnai Office

📍 AUGUST 14 – FRIDAY
• Ondoy PH 2 — near Mr. Guilbert Zamora residence

📍 AUGUST 17 – MONDAY
• Mahayhay — Chapel

📍 AUGUST 18 – TUESDAY
• Villafuerte/Camden — Brgy. Hall

📍 AUGUST 19 – WEDNESDAY
• Dilain — Silayan Open Space

📍 AUGUST 20 – THURSDAY
• San V***a — near Kag. Gigi residence
• Bulao Loob — Open Space

📍 AUGUST 21 – FRIDAY
• VVCH — VVCH Clubhouse

📍 AUGUST 24 – MONDAY
• Valleyview — Admin Office

📍 AUGUST 25 – TUESDAY
• Daycare Manggahan

📍 AUGUST 26 – WEDNESDAY
• Daycare Ondoy

📍 AUGUST 27–28
• Mahayhay (MOP UP)

⚠️ PAALALA SA LAHAT:
Kung hindi kayo nakapagpabakuna sa nakatalagang vaccination site sa inyong sitio, maaari pa rin kayong pumunta sa Barangay Health Center upang makapagpabakuna.

💉 Huwag palampasin ang pagkakataong maprotektahan ang ating mga anak laban sa Measles at Rubella.

📣 Makikiusap po kami na i-SHARE ang post na ito upang makarating ang schedule sa lahat ng magulang at guardians sa ating barangay.

Sama-sama nating protektahan ang kalusugan ng ating mga anak! ❤️🩷

Send a message to learn more

Isinagawa noong Agosto 8, 2026 ang Peace and Order and Disaster Response Training Seminar ng ating Barangay Peace and Or...
13/08/2026

Isinagawa noong Agosto 8, 2026 ang Peace and Order and Disaster Response Training Seminar ng ating Barangay Peace and Order, sa pangunguna at direktiba ni Kapitan Marcelo N. Young Jr., at pinamunuan ni Kagawad Samuel Mejia, Committee Head on Peace and Order, kasama ang buong Sangguniang Barangay.

Layunin ng pagsasanay na higit pang mapalakas ang kaalaman, kakayahan, disiplina, at kahandaan ng ating mga Barangay Tanod at Task Force Disiplina sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, gayundin sa pagtugon sa mga emergency at kalamidad.

📌 UNANG BAHAGI: BARANGAY TANOD DUTIES, RESPONSIBILITIES, ORIENTATION & CAPACITY BUILDING

Nagbigay ng mahalagang kaalaman ang ating mga kapulisan mula sa PNP Antipolo:

👮 Police Master Sergeant Ruby Guadalupe
Tinalakay niya ang mahahalagang batas at usapin kaugnay ng:
• RA 9262 – Anti-Violence Against Women and Their Children Act (VAWC)
• RA 11313 – Safe Spaces Act
• RA 7610 – Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act
• RA 8353 – Anti-Rape Law

👮 Patrolman Clydon Buenviaje
Nagbahagi naman siya ng kaalaman tungkol sa arrest and handcuffing techniques at iba pang mahahalagang crime prevention measures na makatutulong sa ating mga Barangay Tanod sa kanilang tungkulin.

Maraming salamat din kina Police Corporal Anthony John Pasia at Police Master Sergeant Miguel Esguerra sa kanilang suporta at pakikiisa sa matagumpay na pagsasanay.

🚑 IKALAWANG BAHAGI: BASIC LIFE SUPPORT, RESCUE & DISASTER RESPONSE TRAINING

Binigyang-diin naman sa ikalawang bahagi ang kahalagahan ng pagiging handa sa oras ng sakuna at emergency. Nagbahagi ng kanyang kaalaman at karanasan si Roberto Salig, Registered EMS, sa pamamagitan ng lecture at pagsasanay tungkol sa Basic Life Support (BLS), Rescue, at Disaster Response.

Ang ganitong uri ng pagsasanay ay mahalaga upang ang ating mga responders ay maging mas maagap, mahinahon, at mahusay sa pagtulong sa ating mga kabarangay sa oras ng pangangailangan.

🤝 IKATLONG BAHAGI: TEAM BUILDING ACTIVITIES

Bilang pagtatapos, sumailalim ang ating mga Barangay Tanod at Task Force Disiplina sa iba't ibang team building activities na naglalayong palakasin ang kanilang teamwork, komunikasyon, tiwala, disiplina, at pagkakaisa.

💙 Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi at katuwang sa matagumpay na Peace and Order and Disaster Response Training Seminar—sa ating mga resource speakers, kapulisan, Barangay Tanod, Task Force Disiplina, Sangguniang Barangay, at lahat ng tumulong upang maisakatuparan ang makabuluhang gawaing ito.

Sa ilalim ng pamumuno ni Kapitan Marcelo N. Young Jr. at sa pangunguna ni Kagawad Samuel Mejia, patuloy nating paiigtingin ang kapayapaan, kaayusan, kaligtasan, at kahandaan ng ating barangay.

Para sa isang mas ligtas, mas disiplinado, mas handa, at nagkakaisang barangay! 🇵🇭💪

Address

Antipolo
1870

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Muntindilaw Antipolo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Muntindilaw Antipolo:

Shortcuts

Share