29/11/2024
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ผ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐: ๐๐ผ๐๐ฝ๐ผ๐ฝ๐ผ๐๐ ๐ผ๐ ๐๐ผ๐๐๐๐๐๐ผ๐, ๐๐ผ๐๐๐๐๐ผ ๐๐ผ ๐๐ผ๐๐๐ผ๐๐๐ ๐๐ผ ๐ฝ๐๐๐ผ๐.
Ngayong pagtatapos ng buwan ay pagtatapos din ng ๐ญ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฝ๐๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐. Ngunit, hindi ibig sabihin nito ay matatapos din ang mga ginagawa natin para magpakita ng pag galang, at pag respeto sa ating kapwa, sa ating sarili, sa iba pang nabubuhay sa mundo, at sa poong may kapal. Ang mga gawain na ito ang naghahasa rin sa ating mga kabataan, upang maging handa tayo sa pagdating ng mga bukas at maging mga bagong mukha para sa mas maunlad na mundo na ating ginagalawan.
Sa isinagawang mga aktibidad ng mga istudyante mula ๐๐๐ข๐ญ๐๐ง๐ -๐ ๐ก๐๐ง๐ ๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ข๐ญ๐๐ง๐ -๐๐, ay talaga namang naipamalas at patuloy pa nilang tinutuklas ang kanilang mga talento. Mula sa larangan ng pag-edit, pagdula, pagbigkas, pagkanta, pagsayaw, pagsusulat, sining, paggawa ng maikling film, at iba pang makasining na talento. Itoโy kanilang ipinamalas para maipakita rin ang pagiging malikhain ng kanilang mga isip. Sa ganitong paraan ay nasubok din ang kanilang mga sarili, bunga upang mas makilala pa nila ang kanilang mga sarili at kung ano ang mayroon sila.
Ang mga gawain na ating isinagawa ay nawa'y magsilbing paalala sa atin na maging marespeto at magalang sa bawat isa. Ang mga ito rin ang magsisillbing paraan sa pagpapalaganap ng kabutihan, kaayusan, at pagmamahal na mayroon tayo sa ating mga sarili, sa diyos, sa iba pang may buhay, at sa ating mga kapwa. Ang lahat ng ito ay isang hakbang din sa pag-usbong ng maayos na hangarin na mayroon tayo sa ating bansa, at sa mundo na ating ginagalawan. ๐ต๐ญ๐