01/11/2023
Nais po naming magbigay ng taos-pusong pagbati sa pagkapanalo ng mga SK Kagawad na sina Rey Adrianne Andrade, Kyla Bala, at Mark Kevin Vito sa ilalim ng Serbisyong Bonifacio. Ang inyong tagumpay ay patunay ng inyong dedikasyon at pagmamahal sa paglilingkod sa kabataan ng San Luis.
Para sa mga hindi pinalad, mabigat man ang inyong pagkatalo, huwag kayong mawawalan ng pag-asa. Ang inyong pagtakbo ay nagpapakita ng inyong determinasyon na makilahok sa pagsusulong ng mabuting pagbabago para sa ating kabataan. Huwag tayong titigil sa pagsuporta sa mga programa at proyekto na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng ating mga kabataan.
Sa ilalim ng SERBISYONG BONIFACIO kung saan KABATAAN ANG PANALO, ipagpatuloy niyo ang ating nasimulan na pag-aalaga at pagbibigay ng tamang serbisyo para sa mga kabataan ng San Luis. Nawa'y magpatuloy ang inyong pagtutulungan at dedikasyon upang mas mapabuti ang kalagayan ng mga kabataan.