06/08/2026
🩸 Taos-Pusong Pasasalamat 🩸
Maraming Salamat po sa 107 blood donors na dumalo sa ating Mobile Blood Donation Drive kahapon. Sa kabila ng bagyo at masamang panahon, ipinakita ninyo ang tunay na diwa ng malasakit at bayanihan. Dahil sa inyong suporta, matagumpay tayong nakakolekta ng 90 bags ng dugo na makatutulong sa maraming pasyenteng nangangailangan.
Lubos din po ang aming pasasalamat sa aming sponsor, ang Rotary Club of Angono, sa pagbibigay ng 3 kilo ng bigas para sa unang 75 blood donors. Maraming salamat din sa lahat ng nagpaabot ng karagdagang pagkain at iba pang tulong na naipamahagi sa ating mga donors at volunteers.
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa lahat ng NGOs at partner organizations na patuloy na nakikiisa at sumusuporta sa ating taunang Blood Donation Drive.
Sa bawat donor, volunteer, sponsor, at katuwang—kayo ang tunay na mga bayani na nagbibigay ng pag-asa at buhay.
Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagliligtas ng buhay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng dugo.
🩸 Dugong Alay Mo, Buhay Ko. ❤️