28/06/2026
TINGNAN: Matagumpay na nagsagawa ng Tree Planting Activity ang Coast Guard Sub-Station Angono noong ika-28 ng Hunyo 2026, kasama ang mga kinatawan ng Municipal Agriculture Office (MAO), Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), at Department of Environment and Natural Resources (DENR), sa iminungkahing Bird Sanctuary sa wetland area ng Brgy. San Vicente, Angono, Rizal.
Sa isinagawang aktibidad, matagumpay na naitanim ang kabuuang limampung (50) punla ng puno, na binubuo ng dalawampu't limang (25) Narra at dalawampu't limang (25) Talisay. Ang pagtatanim ng mga katutubong punong ito ay makatutulong sa pagpapanumbalik ng balanse ng wetland ecosystem, pagpapabuti ng tirahan ng mga migratoryo at lokal na uri ng ibon, at pangangalaga sa biodiversity ng nasabing lugar.
Patuloy ang Philippine Coast Guard sa pagsuporta sa mga programang pangkalikasan bilang bahagi ng adhikain nitong mapangalagaan ang kalikasan at maisulong ang isang mas luntian, malinis, at napapanatiling kapaligiran para sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon.